Sunday, January 31, 2010

Super gulo

Hindi ko na naiintindihan. Ang gulo na talaga ng nangyayari sa buhay ko ngayon (kaya ulit Tagalog ito kasi sumasakit na ng todo ulo ko.. huhuhu).

Sabi ko sa previous entry ko di ba okay na papers ko for exam. Ang problema ko na lang ay yung date ng exam di ba. Kaya napagdesisyunan ko na uuwi na muna (sana) ako ng Pinas for 35 days kasi nga malapit na mag-expire visa ko. Tapos sa Pinas na lang ako magrereview at ipagpapatuloy ko yung pagpapatatak ng UAE embassy sa documents ko. Excited na nga ako e. Namili na ako kahapon ng ilang pasalubong. Kaso kanina nung nasa ospital ako, nakausap ko yung doktor. Sabi niya, vivisahan na lang daw niya ako ng iba (secretary/receptionist) para hindi na ako umuwi. I-take ko na raw yung urgent exam which is sa Feb 17 nga. Sa totoo lang, dapat natutuwa ako di ba? Kasi less gastos yun sa pamasahe pauwi ng Pinas at pabalik ulit dito.

Ang kaso, ang dami ko pa ring worries. Like yung TOR at diploma ko, tapos na yun sa DFA. Naka-red ribbon na sila, ang kaso wala pang UAE embassy seal. Pina-stop ko na dun sa stage na yun sa tita ko na tumutulong sa akin umayos nun na nasa Pinas. Sabi ko kasi, ako na lang mag-aayos pag-uwi ko. E kaso yun nga. Bigla namang nagbago na naman ang ihip ng hangin at eto, ipapa-rush ko na naman sa kanya yun. Hey buhey, you're so gulo.

Isa pa, ewan ko kung kaya kong mag-exam sa 17. Oral examinations dito e. Alam ko mas magaling ako sa written. Kabisote kasi ako e. Tapos pinepressure pa ako ng mga magiging kasamahan kong nurses dun sa trabaho. Sabi nila kaya ko raw yun kasi nga sa eskwelahan na pinag-graduate-an ko ng college. Sila nga raw galing sa ganitong nursing college lang, nakapasa, e di lalo na raw ako. Sa totoo lang, hindi ako natutuwa kapag sinasabi nila yun. Lalo akong nape-pressure na dapat mapasa ko yun. Hindi naman sa eskwelahan nakukuha yun e. Ewan ko rin kung bakit ako nakapasa sa entrance exam dun, sa cut-off grade, at higit sa lahat sa sandamakmak na exams na dinaanan ko nung college hanggang sa naka-graduate ako. In fairness, mas mataas din board rating ko sa kanila (hahaha.. yumayabang na ako sa part na to. Pero totoo yan nung nagkukwentuhan kami kanina).

Pero bakit ganun? Parang sobrang nawala yung tiwala ko sa sarili ko.

Pero gaya nga ng sinabi ko sa last entry ko, ibinigay na ni God sa akin itong chance na ito at hindi ko na dapat balewalain. Eto na nga e. Hindi na ako mag-e-exit sa Pinas. Ang kailangan ko na lang gawin ay manalangin na mapaayos agad papers ko, at siyempre magreview.

Kaya ko ito. RN naman ako a. At graduate ako ng school ko! Yehes. I can do this baby!

Kaya siguro, yung pag-uwi ng Pilipinas kahit excited at may mga pasalubong na ako, ipagpapaliban ko na muna. Babalik at babalik pa rin naman ako dun e. Hindi naman mawawala yun. Isa pa, ang mahalaga ngayon ay maayos ko muna yung buhay ko rito at makapagtrabaho nang makaipon. Dami ko na utang kina parents!  :(

So eto. Andito pa rin ako. Go go go pa rin at fight fight fight! :) Hay Lord, please help me.


So magiging busy muna siguro ako these coming weeks. Sa pag-aayos ng papers, pagduduty, at pagrereview. Kaya ko ito!












*********************************************************************************

Ako: E ikaw kamusta ka naman?
O: Ok naman... masaya na.
Ako: E bat ka happy na?
O: Kasi uuwi ka na :)

Last na usapan namin. Kaya excited na rin yata ako umuwi e. Ang kaso, hindi nga matutuloy siguro. Ganun e. Kailangan ko munang ayusin ang buhay ko. :(

**********************************************************************************


10 comments:

Anonymous said...

aww di ka na uuwi! pero okay lang yun mas mgnda yang twist na yan actually....cia nga ung ngbasa nung blog mo tama ba haha-plats

classiquefille said...

Parang alam ko na tong scenario na to..nadaanan ko na yan.. Whew! Pero, hang in there ka pa din.. Basta ang isipin mo na you shouldn't have any regrets.. Sabi mo nga, this is your chance which shouldn't be put into waste. :)

classiquefille said...

hanggang kailan ang validity ng secretary/receptionist visa? Kapag ba nakuha mo yun eh, gaano katagal ung transfer ng visa into nurse talaga? And ask if that one's legal. :)

Camille said...

@plats: excited na rin naman nga ako kahit paano umuwi e noh. pero ayun nga, a different twist of the story ;P

@rona: pinaayos na kanina ung visa ko as secretary. binayaran na ni doctor. emirati (taga-Dubai mismo at head nga ng MOH) naman siya e kaya feeling ko naman legal. tapos tinutulungan din ako ng mga makakasama kong pinay. super bait nila to the highest level. ako talaga may prob kasi nga ung papeles ko kulang pa ng UAE embassy seal. Anyhoo, pinarush ko na un sa tita ko sa Pinas. kulang-kulang 4k un.

hindi pa naman pala ako sa 17 mag-exam e. since vivisahan naman na ako, maski sa end na ng feb. tapos kapag nakapasa ako, mata-transfer na un as nurse visa after 6 months. ganun din nangyari dun sa iba kong kasamahan dito. kaya all is good pa rin :) magrereview na ko!

Unknown said...

Emirati naman pala tska malakas kapit mo, wala ka naman naririnig na ndi mgnda about dun sa mggiging ksama mo diba? kc alm mo naman kapag pinoy ssbihin nila kagad if hindi maganda ung company diba uunahan kana nila.. pero since ok naman gow kana! tska ung exam maning mani un sayo bkla! ;)

the_storyteller said...

minsan nakakaasar kapag sinasabi nilang kaya mo dahil galing ka sa school na eto...yung feeling nila ang galing galing mo dahil doon ka graduate (kahit na totoo naman..hahaha :D)...

pero seryoso ako din hndi ko lam paano ako nakalagpas sa college...cguro meant to become nurses tayo...so konting tiis lang...kaya mo yan...kaya natin ito...hehe :)

Camille said...

@charee: oo wala silang masamang masabi dun sa doc. nahihirapan nga magresign ung isa kong kasamahan kasi sana kahit paano, gusto niya maggrow. e kaso mabait talaga si doc e.

@kabatch: hahaha naligaw ka! anyways, oo nga. ganyan tingin ng mga tao sa atin. todo pressure. at siguro nga totoo na meant to be nurses tau.. hahaha. pero bat hindi pa rin ako makapaniwala kahit 3 yrs na taung lisensiyado? haha

classiquefille said...

There's still hope! hehe Eh ayun naman pala. Born to be a nurse ka ata talaga. To take care of those arabs..hehe :D Ung exam na yan? Kaya mo yan..piece of cake lang yan Kaya ka pinag-exam kasi para ma-refresh ung knowledge mo sa destined na field mo. (baka daw nangangalawang na). Think of it as an adventure!

"Overcoming an obstacle is the greatest feeling that you can get."

Go lang ng go! :) Good luck! :)

katcarneo said...

Ako din naguluhan! Pero remember that there's nothing that will happen that you and God can't handle together. Aja!

Camille said...

hahaha.. salamat naman sa mga suporta niyo. eto nga at nagrereview-review na rin ng onti. at nanalangin pa rin ng bongga :)