Saturday, January 2, 2010

Ekspleyn

Sa loob ng humigit-kumulang 5 years of blogging ko, masasabi kong ibang-iba ako sa blog kong ito. Marami akong blogs noon at 3 na lang ang existing sa ngayon pero yung dalawa hindi ko na masyado naa-update. Bukod sa puros kadramahan, kaartehan, at ka-bitteran ang mga pinagsusulat ko dun sa mga dati na hindi ko maisulat masyado rito, ay English ang napili kong language sa blog kong ito... hahaha. Hindi para mag-inarte, magmalaki, o kung anuman. Ang pagkakaiba kasi ng pagsulat ko ng English na blog entry, mas naiisip ko yung mga sinusulat ko. Mas naiisip ko kung dapat ko pa bang ilagay itong topic na ito o hindi na. Kung Tagalog kasi, go lang ako ng go. Hala, sige. Banat ng banat. I don't care kung puros kapathetican ang mga pinagsusulat ko noon, na sa tuwing babasahin ko, ay madalas na napapahawak ako sa noo ko at napapasabing OMG! at napapatanong kung bakit ko pa sinulat ang mga yun. Oo marami akong pinagsisihang sinulat na entries noon na gusto ko sanang i-delete kaso marami nang nakabasa nun. At in fairness naman, hindi naman lahat pinagsisisihan kong isulat. Yung iba naman, natatawa ako at na-a-amazed ako sa sarili ko ngayon na parang nagmatured na ako kesa dun sa nakaraang ako na nagsulat nung blog entry na yun.

Pero meron din akong mga nakuhang violent reactions sa mga taong nagbabasa ng blogs ko noon. Yung iba pa nga talagang i-sesend nila as private message sa akin. At sa maniwala man kayo't sa hindi, nagkaroon din ako ng stalkers dahil sa mga pinopost ko noon. Nakakatawa na nakakainis na pinag-aksayahan pa nila ng panahon di ba. To think na may karapatan naman ako sa freedom of speech at wala silang pakialam sa blog ko.

Sa totoo lang, ang dami kong gustong ikuwento sa blog na ito, ang dami kong gustong i-post na pictures, links, etc, pero mas controlled na ang posting ko rito. Kumbaga sa TV shows, may MTRCB na. Ganun na ngayon ang blog kong ito. Hindi na lahat sinasabi ko, hindi na lahat pinopost ko, at hindi na masyadong personalized. Usually ang mga nilalagay ko na nga lang dito ay general topic e.

Nakakamiss din yung dati kong style ng pagbablog. Actually, mas masaya ako sa ganung style. Pero kasi, naisip ko naman, hindi naman kasi lahat ng information or emotions ko, kailangan ko i-divulge sa public.

Pero minsan kasi, wala akong mapagsabihan ng mga agam-agam ko sa buhay at gusto ko sana i-blog. Kaso, dahil nga controlled na ang pagpopost ko sa blog na ito, hindi ko na naitutuloy i-post. Kaya ang ending, lahat ng mga bagay-bagay na dapat naisulat ko na sa blog na dapat nakapagpagaan na ng nararamdaman ko ngayon ay nasa utak ko pa rin. Asar!

Di bale. Siguro after a few days/weeks, lilipas din itong mga ito. This too shall pass again.


Pero namimiss ko pa rin yung mga dati kong blogs. :(



But I am now, I believe, is a better and grown-up person writing in this blog. :)

5 comments:

Unknown said...

pareho na kyo ni emz magblog, nakakamiss yung dati nyong pagkukwento... :(

Anonymous said...

lol i know what u mean na tagalog pag mag blog para lang akong ngiinarte sa telepno nun or wat na naisulat pa haha . - plats

Camille said...

@charee: sa totoo lang, namimiss ko na si cutiemax25 at supercutiemax. But I know I'm a different person now. yehes! hahaha

@plats: oo ganun. kaya nga minsan naiinis ako sa mga dati kong blogs. ayoko na magsulat ng ganun. EVER! haha

canky.is.me said...

cams, try mo mag-tumblr. minimal lang ang post don and hindi ka mapepressure na magsulat. mostly, pictures and vids lang nilalagay ng mga tao don.

pero hindi ko sinasabing iwanan mo tong blog mo ha! silip ka lang:S

Camille said...

sige try ko. kaso bago na namang website ang aasikasuhin ko! haha