Ang bilis talaga ng DHL. Natanggap ko na kahapon yung mga papers na kailangan ko. Nagsabi na rin ako dun sa nag-aayos ng visa ko sa Dubai na ok na at pwede na nilang simulang ayusin yung papers ko dun. Nagreply naman siya agad. Sabi niya, pwede na raw ako magpabooked ng end of March. Ang bilis din talaga ng panahon ano?
Masaya ba ako?
Sa totoo lang, eto yung hindi ko maintindihan sa sarili ko. Kapag nasa Pinas ako, gusto kung umalis at makapagtrabaho na ulit sa ibang bansa. Kapag nasa ibang bansa na ako, gusto ko na ulit umuwi at makasama ang mga mahal ko sa buhay. Kahapon nung nareceive ko yung papers ko, medyo nalungkot ako. Inaasahan ko kasi next week ko pa marereceive yun. Sabi kasi ng DHL sa akin last week, 7 working days daw excluding weekends. So ang bilang ko talaga, sa Tuesday next week ko pa marereceive. E pero ganun e. Nareceive ko na kahapon. Dapat nga di ba nagpapasalamat ako at naayos nang maaga! Haha. Ang gulo ko lang talaga. Sabi ko nga e. Bipolar ako.
Kaya rin siguro hindi ako masyadong masaya na natapos ko nang ayusin yung papers ko ay dahil ang dami ko pang pending na lakad. Sa totoo lang, modesty aside, ang hirap maging Ms. Congeniality. Masaya ako na ang dami kong kaibigan, ang dami kong grupong sinalihan, at ang daming nagmamahal sa akin. Super natouched ako na ang daming nagtext, natuwa, at gustong makipagkita muna sa akin bago ako bumalik ng Dubai. Pero sad to say, kaunti pa lang ang nakasama kong friends. Sana naman maintindihan ako ng iba kong kaibigan na nahihirapan din naman akong i-schedule ang sarili ko sa lahat ng lakad ko. Gusto ko silang lahat makita at maibigay yung mga pasalubong ko. Ang kaso lang, nagrereview din naman ako, at sa totoo lang, tinitipid ko rin yung allowance na binigay sa akin nila mama dahil nga mamamasahe pa ako pabalik sa Dubai. Sana naman maintindihan nila na may mga bagay na ganito na kahit gusto mo naman talagang sumama, may priorities ka ring iba na mas dapat mauna.
Pero promise. Ta-try ko namang pangatawanan ang pagiging kaibigan ko sa inyo. I'll try my best to meet you guys before I leave. :)
At nakakatawa ang romantic horoscope ko kanina sa FB. Pakibasa lalo na yung last line...
(Pakiclick na lang po to enlarge image. Kasi kapag nilakihan ko, hindi kakasya sa border)
Haha.. parang saktong-sakto na ewan ko. Nakakalungkot na ewan ko rin tuloy nararamdaman ko naman dito :(
Anyway, bahala na. Lubusin ang mga natitirang araw.
PS: Naalis si Adam Lambert sa American Idol!!!!! Yung bet ko na mananalo from my previous entry. Ano ba yan. Mukhang lagi na lang mali instinct ko ngayon a. What's happening???!
5 comments:
Waaahh... Life is so full of surprises talaga.. Aalis ka na naman. Iiwan mo na naman kame.:( hehe Drama lang naman. :)
Sa umpisa lang yan pero just think of your future (naks...). At least my opportunity ka na makabalik which not all can have. Makakabalik ka naman sa piling ng iyong mga minamahal..haha
May ym naman at fb, makakausap ka pa rin namin. So tibay lang ng loob yan. Marami tayong utang na dapat bayaran. Yan ang motto dapat! haha :D Basta don't forget to inform us about your departure ha.
At tungkol naman sa horoscope mo, naloka ako sa LAKI ng font. So what does it mean? Okay lang na may mabuong relationship? Though it's long-distance? heheeh EXPLAIN! haha
@rohena: kapag nilakihan ko pa kasi, hindi kakasya sa border! hahaha.
di bale magkita na lang tau next week. hindi ko alam e. siguro hindi naman ako aalis this week na? haha. grabe naman un.
dubai n nman! ehhe.. halos lht nman ng nakilala q dubai.. hehhe.
gnun tlga un gurl kht anung mangyri nkksad p rin ang word na AALIS.. kht na inaantay u ung tym n un..
kelan k pla alis? hehhe.
hmmm baka april. basta a week before april 15, yung exam ko.
Post a Comment