Sunday, January 10, 2010

Yihee para sa 2010!


(Ok, so Tagalog ito sa ngayon)

Sa totoo lang, ayokong gumawa ng ganito. Sabi ko nga di ba sa previous entries ko, ayoko na masyadong gawing personal ang blog na ito. Pero there are times like this na I can't help it! So since ako naman ang may-ari ng blog na ito, e dapat lang na wala ng explanations di ba? Haha!



Para sa iyo,


Parehas tayong maraming problema as of now. Maraming bagay na iniisip, inaayos, and we're trying our best to be better persons. Natutuwa ako kasi magkalayo man tayo ngayon, you never fail to make me feel your concern for me. Minsan or siguro most of the time ayaw kitang kausapin kasi ayokong umasa at masaktan ulit. Ayokong madevelop sa iyo nang todong-todo. Magulo pa kasi ang buhay ko sa ngayon e. Gusto ko sana kapag pumasok na ako sa isang relationship, okay na ako. Maayos na ang career ko (hahaha.. Lord, alam mo na ito. Ako kasi hindi ko pa gets masyado), hindi na ako magulo magdesisyon, matapang na ako, at higit sa lahat, sigurado na ako sa feelings ko. So kailangan pa talaga natin ng time. Mahabang time. Ikaw rin naman e. You still have some issues to fix.

Pero gusto ko lang malaman mo, na sa mga oras na down ako, natutuwa ako kasi nandiyan ka para kausapin ako. Salamat sa mga kwento at pieces of advice. Ewan ko. Hindi ako sure. Pero feeling ko, may magic na. May kilig factor ka na sa akin. PERO pinipigilan ko pa rin! Hahaha. Ewan ko ba. Ayoko kasing maging super happy with this feeling tapos mawawala rin naman nang bigla. Gusto ko kasi talaga, yung sure na. Sabi sa iyo, magulo ako talaga e.

Alam mo ba (yuck ang corny neto promise), sa tuwing kausap kita, nae-excite na ako, napapa-smile at napapatawa na ako, kinakabahan ako, nilalamig ang mga kamay ko, at nagkakaroon din ako ng goosebumps. Minsan nga namumula pa tenga ko e! Hahaha. Shet. Ayoko nito e. Kinokontrol ko pa rin talaga kasi ang emotions ko. At FYI, kaya ko pa naman. Kontrolado ko pa naman as of now. Hindi ko nga alam kung tama ba na ganito ako e. Urung-sulong. Pero sabi ko nga kasi sa iyo, takot lang akong masaktan ulit. Sabi mo nga, ang taas ng bakod/walls ko sa sarili ko. At sabi mo rin, ikaw rin. Takot ka na rin sa ngayon. So ano na mangyayari sa atin kung ganito tayo? Hahaha.

Bahala na. Siguro ipaubaya na lang natin talaga kay Bro at sa tamang panahon. Oo, naniniwala pa rin ako na kung tayo talaga ang para sa isa't-isa, harangin man tayo ng sandamakmak na sibat, e tayo talaga. ANG KASO LANG, andami ko nang nasabihan nang ganun e hindi naman talaga nagtagal! Hahaha. So, bahala na talaga.


Gusto ko lang malaman mo (as if talaga mababasa mo ito di ba?), na sa tingin ko kahit dapat maging malungkot at hopeless na ako sa mga nangyayari sa akin sa ngayon, e isa ka sa mga dahilan kung bakit masaya pa rin ako. Sana huwag kang mawala at kayanin natin ang distance, time, duration, proximity at kung ano pang nasa pagitan natin. Pipilitin ko rin namang umalalay pa rin sa iyo at hindi mawala sa tabi mo. Sana kayanin natin. :)




Ayoko na. Tama na. Cheesy na. END na.


7 comments:

Unknown said...

yiheeee! ang kesoooo! sino to ha??! :p share nemen jeeen! :p
im happy that inspite of everything that is happening to you (with both of us hehe) meron kang sum1 to cheer u up.. :)

Anonymous said...

siya ba? yehes naman!!!!!!!!!!!!!!!!! kayo na ba???? hehehhehe - plats

Anonymous said...

nabasa ko :) :*

Camille said...

@charee: secret :) oo nga e.. hehe pero alalay lang. huwag bigay-todo.. hehe

@plats: yep. siya.. haha

@anonymous: sino ka? ikaw si plats noh? hay nako

elmie said...

umiintriga si anonymous -- ahlavett!! XD

classiquefille said...

haha nakakatuwa naman to..inlababo ha.. Naaliw naman akong basahin ang blog mo..sobrang napapatawa ako..--Ena

Unknown said...

parang kilala ko siya na hindi :p ewan ko lang kung tama ung nsa isip ko... :p