Tuesday, January 19, 2010

Ang paghahanap ng trabaho sa Dubai


Mahirap. Hindi biro. Lalo na't recession sa ngayon.

Sa loob ng isang buwan at mahigit na paghahanap ng trabaho sa parteng ito ng Gitnang Silangan, masasabi kong swerte pa rin ako kumpara sa karamihan. Oo, alam ko, sinabi ko kanina, mahirap. E sa mahirap naman kasi talaga noh!

Lakad dito, lakad doon na yung varicose veins ko siguro abot na hanggang singit ko ngayon. Yung walking shoes at saka sandals ko nga, nawasak na dahil sa layo ng nilalakad ko everyday, every night. Magastos dahil mahal ang bayad sa taxi, halos sa isang araw e makaka-isang libong piso na ako sa pamasahe pa lang. May mga pagkakataon din na dadayuhin ko pa ang ibang emirates gaya ng Sharjah para lang magbakasaling swertihin. Kung may oras, pera, at mas malakas ang loob ko, baka pinatos ko pa yung mga for interviews ko sa Abu Dhabi, Ajman, at Al Ain. O di parang nalibot ko na buong UAE!

At kung maswerte ka talagang gaya ko, makakakilala ka ng iba't-ibang klase ng bosses/employers. Oo maraming manyak dito, bastos, walang respeto, at mga nagmamarunong. Pero may karapatan ba akong magreklamo at magtaray? Wala, dahil aplikante lang ako! Kaya all the way ng interview kahit gusto ko nang umiyak at mag-walk out, todo-smile pa rin ang drama ko. Ganun ang attitude dapat. Think positive, huwag kang aayaw!

Marami ka ring makikilalang mga kaibigan either by phone, kaparehas mong aplikante, napagtanungan mo ng direksyon, nakatabi mo sa bus, o di kaya nagkamali lang ng dial ng phone at na-i-dial ang number mo. Pero siyempre, dapat mag-iingat pa rin. Hindi naman lahat ng nakikilala araw-araw, maski kapareha man ng lahi e karapat-dapat nang pagkatiwalaan.

Damang-dama rin dito ang recession. Ang mga kasabayan ko sa mga interviews ay yung mga natanggal sa mga kumpanya dito dahil nga nalugi yung kumpanyang pinagtatrabahuan nila noon. Ngayon lang ako nakaranas na naka-schedule ako for interview, at maraming kasabay. Usually kasi noon, ako lang talaga ang iniinterview. Tapos natatanggap na ako agad. E ngayon, hindi. Sa dami ba naman ng kakumpetensiya ko, ang bata pa ng edad ko at kaunti ang working experience, e saan na ako ipapadpad nito?

Kaya pilit ko pa ring binalikan at pinagsusumikapan makakuha ng trabaho na in line sa aking kursong medikal. Nagkaroon din naman ako ng offers noh, hindi naman ako masyadong kawawa sa iniisip niyo (hahaha). Ang kaso, choosy ako e. Gusto ko ospital na may magandang sahod. E yun pala, mahirap makahanap ng ganung trabaho sa ngayon dahil nga wala pa akong lisensiya dito! So dapat pala, kinuha ko na yung ibang offer noon e di sana tapos na ang problema ko sa ngayon.

Ganunpaman, mabait talaga si Lord. Hindi Niya pa rin ako binibitiwan kahit pasaway ako sa Kanya. Meron na ulit offer na ospital sa akin. Kanina-kanina lang. O e anong dinadaldal-daldal ko rito? E tapos na pala ang problema ko e!

HINDI. Dito pumapasok ang mas marami kong problema.

Mag-a-apply ako bukas (or this week) ng for examination sa DOH dito. Kailangan ko yung TOR, diploma, PRC certifications, certifications from previous employer ko na authenticated by UAE embassy sa Pinas. Ang tanong... asan ang mga ito?

Nasa Pilipinas at pinaprocess pa. Pinakamalinaw na matatanggap ko yun ay by feb pa raw. :(

Sabi ko nga kanina, siguro mas masakit yun tanggapin na uuwi ako (if ever) ng Pinas dahil kulang yung papeles ko at ako ang may kasalanan dahil hindi ko inayos dati pa. Kesa yung dahilan na uuwi ako ng Pinas dahil recession dito at walang employer na kumuha sa akin.

E hindi e. Meron.


Pero ganunpaman, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Alam ko may mas magandang plano si God. Isa pa, malay mo pwede pala ipa-rush yung mga dokumento ko. Basta Lord, hindi Kita pipilitin. Pero sana, please, please, please, please, pleeeeeeeeaaaaaaaassssseeeee naman po. Sana para sa akin na ito. Promise Lord, hindi ko na itatakwil ang Nursing. I-e-embrace ko na ito nang bongga!!!


At Lord, salamat sa lahat ng pagsubok na ito. Alam ko, para ito sa ikabubuti ko.

Alabyu!!!!! :)





At siyempre, salamat sa mga taong patuloy na tumutulong at sumusuporta sa akin ngayon. Special shout-out kina Inday Mechelle, Plats, Rona, Diday. Pati sa tita ko na nag-aayos ng papeles ko sa Pinas! (Bilisan mo!! hahaha). Sa mga magulang ko na patuloy na nagbibigay ng allowance ko na halos linggo-linggo na lang ay hinuhuthutan ko (makakabawi rin ako sa inyo). Sa tita ko na tumutulong sa akin dito at nagbigay ng libreng pabahay. Sa roommate niya rito na nagbigay ng libreng internet. Kay Charee na ever-supportive friend/blogmate ko na isang Dubayuki na pilit pinu-pull-out ang lahat ng resources niya para matulungan ako. Kay Tuts at sa friend niya na nagpadala ng CV ko sa lahat ng emirates! hahaha. Sa lahat ng mga kablogs ko na patuloy pa ring nagbabasa ng blog ko ngayon, english man o tagalog.. haha (Cleotie, Aubrey, Ems, Cha, atbp..). At pati na rin kay O. :)

Salamat ng marami. aysoooooooolabyu all!!! mwuah!

6 comments:

Unknown said...

yii! special mention pa ako hehehe!sympre sino pa ba naman ang magtutulungan diba? tama yan gnyan nga ang attitude walang bibitaw :) makakahanap karin malay mo yan na nga un, tska pde naman atang to follow na lang ung mga reqs diba..

ano na nga ba ulit tawag ni O syo? nakalimutan ko eh :p

Anonymous said...

si o ba si ano? hehe di ko din alam name! but of course naisip ko baka eto yung way ni Lord para ibalik ka sa nursing..bsta tingnan naten, just pray lang bakla! and think positive! kahit nega ako positive pa din naman talaga! lol, labo anu! hehehe-plats

cleotie said...

and we sooo labyu din! mwah! hahaha! yak, ang tomboy ng dating :P

Wag ka lang bibitaw neng...may plan si Bro para sayo. Kalma ka lang, steady lang :P KUng tutuusin, swerte ka nga naman as compared sa iba. Go go go lang! kebs na lang talaga sa mga bastos na interviewer! :P

Camille said...

@charee: sana nga bek ok muna ung mga orig docs. pinaDHL ko na ung mga nasa pinas ko at bahrain e. nakasubmit na rin ako ng application for DOH exam. pinababalik ako ng 26 para icheck mga orig docs. goodluck nemen. *fingas crossed*

@plats: oo think positive nga ako nang sobra e. giving up every interview na nga e for this one! hahaha

@cleotie: salamat gurl! :)

elmie said...

OMG, ako ba yung isa dun? hahaha

no need to worry, my dear. at least may offers. ibig sabihin nun kasi magkaka-offer ka ulit some other time, baka this one was not meant for you. ;)

Camille said...

@emz: oo ikaw un! hahaha sorry naman wrong spelling pala ;P. bahala na si Lord basta ako gagawin ko lahat ng kaya kong gawin. :) thanks ulit!