Usapan namin ng friend ko kanina sa ym:
Friend: Sana yung dating Camille ang naabutan niya.. hehehe
Ako: Na? Yung banat ng banat? hahaha
Friend: Oo. Yung Camille na hindi pa takot.
Iniisip ko yan simula pa kanina. Siguro nga, sobrang natakot na ako na masaktan ulit kaya ganito ako ngayon. Ngayon kasi, dinibdib ko na masyado ang mga katagang "Guard your heart."
Hindi ako ganito noon, promise. Noon, utu-uto ako, madaling mabola, at madaling ma-fall. At madalas akong masaktan dahil sa kashungahan kong ganyan. Madalas akong umiyak, madalas magpakapathetic, at ang laging sumbungan ay ang dakilang blog na mababasa ng ibang tao. Tapos mababasa ko ulit yun after some time, at eeewwwness naman talaga! Hahaha.
Ayoko na nang ganun. Kaya tinuruan ko sarili ko maging numb. I put walls around myself. Sa bawat actuations ng kung sinuman (mostly lalakeng nagpapacute), lahat nilalagyan ko ng negative meaning. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na, hindi rin yan magtatagal katulad ng iba. Huwag ka mag-invest ng special feelings mo diyan. Masasabi kong it worked naman for me. Kumbaga, mas pinapagana ko na kasi yung utak ko. Hindi na yung lagi nadadaan sa emosyon.
Minsan, ang dami kong tanong na gustong itanong, ang dami kong bagay na gusto kong gawin, pero dahil I have my walls around me, I was restricted. Limited yung kilos ko. Dapat eto lang ang sasabihin, dapat eto lang ang ipaparamdam. Nothing more, nothing less.
Mahirap din pala. Hindi ko masabi lahat ng gusto kong sabihin kasi nga natatakot ako na baka pag may mali akong nasabi o nagawa, mawawala yung isang bagay/tao na mahalaga sa akin. Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa kong ganito. In fairness, wala pa namang nasisira na anuman. Hindi naman ako nasasaktan pa nang bonggang-bongga kagaya noon na kailangan kong iiyak.
Pero hindi rin naman ako masaya. So, ibig sabihin ba tama yung ginagawa ko?
Nag-iingat lang naman kasi ako. Ayoko lang matulad sa dati na I always give chance pero sa huli ako yung umuuwing luhaan. Mahirap din kaya magmove on at mahirap magsimula ulit na parang walang nangyari!
Naalala ko tuloy yung sabi nung isa ko pang friend sa akin. Totoo raw yung kantang I know I'll never love this way again. Kasi once you've been hurt by what had happened in the past, you'd be too cautious with your actions the next time.
Hay, siguro nga totoo yung kantang yun.
Pero ayoko namang habambuhay akong takot. Siguro, darating din ang time na may isang taong makakatibag ng walls ko. :)