Showing posts with label happy. Show all posts
Showing posts with label happy. Show all posts

Tuesday, May 18, 2010

It's been a while

I miss you blog, super!

So what's been happening to me these last few weeks? Since I'm sleepy and tired as of the moment, I'll just update in bullets.. hehe tamad style :)

*I'm learning how to cook! Oh well, not really.. haha. But I now perfected (almost) how to peel and cut onions and garlics. Plus green mangoes too. And yeah, my fingers are still complete! :)

*I'm eating vegetables more often now since I'm leaving in an accommodation. And would you believe that it's my first time to try Togue (bean sprouts), Monggo, and Tortang talong (without meat)? Haha Poor me, right? That's because I'm a meat lover ever since childhood. But I'm terribly missing hotdogs and maling. :(

*I'm now adjusted with my work. Somehow I can manage on my own now. But of course, sometimes I still ask for help.. hehe. By the way, my job here in Dubai is nurse/receptionist/secretary/insurance coordinator/cleaner/care taker/guard. Too much to handle, eh?

*I met new friends and it's making my stay in Dubai more fun! Special shout-out to Ate Minie whom I met last friday. Thank you again for the nice company, Ate. :) I promised that I won't call you Miss Minie anymore.. haha.

*I've realized that it's not okay to be kind and polite to everybody. Sometimes, you really have to fight for your rights. You don't have to smile and just agree to every single word a person, even your superior, tells you. If they're telling you to do things that you know are wrong, then don't do it. And you don't have to say sorry always especially if it's not your fault. We have to be tough in this cruel world.

*I'm really thankful to our technology today, especially to facebook, ym, skype, roaming services, and of course, blogs.. haha. I'm able to keep in touch with my friends in the Philippines and all over the world because of these.

*Finally, I've realized that it's difficult to be a daughter (who's living away from her parents), granddaughter (who's living away from her grand parents), niece (to her aunt who's having health problems but doesn't want to visit a doctor), employee (whose legal papers are still in process and who's living in a house with strangers with different personalities), friend (who MUST keep in touch with the ones she have in the Philippines and here in Dubai), and an individual (who does everything for herself). But nonetheless, I'm still thankful that I have a job and I'm earning on my own! Haha.

So there. I'm really busy with my life right now and I know I must thank God for all of these. :)


This is my bed in our accommodation. I know it's a bit messy.. haha


Atlantis
(Am I getting fatter now? :( Because almost all of my friends who went here really gained weight so I'm a bit conscious with every kilo and inch I'm gaining. I hope I'll stay the same or at least lose weight some more! haha)

'Till next entry my dear blog. I promise to update you soon.

PS: One of my friends from college is also here in Dubai. He just arrived a week ago (I think). And I'm really excited to see him on friday! It's nice that I have someone now whom I can talk to about anything and everything, especially the problems I'm encountering here.. hahaha. But I won't tell you this part of my life now.

Goodnight world! Especially to my friends, blogmates, and lurkers. :)

Thursday, March 25, 2010

Si Highschool crush :)

Ayoko nang maging emo kaya magba-blog na muna ako ng masaya ngayon :)

Nung 3rd yr. highschool kami, saka ko naging classmate si highschool crush (HC). Una ko siyang naging crush nung tinuruan niya ako sa Math noon. Hindi naman kami close pa noon tapos biglang lumapit na lang siya sa akin para turuan ako sa Math workbook namin. Ayun, simula noon, napansin ko na siya.

E ang kaso ang dami pa lang nagkakacrush din sa kanya! Hahaha. Sa itsura niyang yun na mukhang pusa?! haha. E siguro kasi, mysterious ang dating kasi tahimik.

Tapos naging seatmates kami nung 3rd quarter. Yung katabi ko sa kabila, nakakaasar yun. Magulo. Lagi akong inaasar tapos sinusulatan ako ng ballpen sa kamay. E sa diin ng pagsulat niya, nasusugatan na ako. Nakita yun ni HC. Bigla niyang hinawakan yung kamay kong may sugat, at biglang sabi: "Camille, magpapasulat ka na lang kasi sa kanya para hindi ka nasusugat." O di ba, ang sweet?! Hahaha. leche siya.

Tapos since seatmates nga kami, naging close na rin kami nun. Lagi kaming review partners. Tinatakpan ko nga mukha ko ng libro kapag siya na yung nirereview ko e.. hahaha. E kinikilig kasi ako noon tapos hindi ko mapigilan tawa ko (actually hanggang ngayon na sinusulat ko e natatawa ako). Tapos siya rin lagi kong kakopyahan sa lahat ng subjects.

Ang hindi ko makakalimutan, nung nagkasakit ako ng ilang araw tapos umabsent ako. Tapos nung pumasok na ako, may surprise quiz sa Math at sa Chemistry. E malamang hindi ko alam isasagot dun kasi kapapasok ko lang! Bumulong siya agad sa akin, "Camille, kopya ka na lang sa akin." E di siyempre perfect ako maski wala akong alam sa lesson na yun! Hahaha.

Nung 4th year na kami, narealized ko na parang gumagrabe na yung pagkagusto ko sa kanya na kailangan ko nang umiwas. May pagkaganun kasi akong ugali. Natatakot akong mahalata niya. Pero nahalata rin naman niya na umiiwas ako. Sabi pa niya sa akin nung nagkasabay kami minsan papuntang classroom, "Umiiwas ka na a. Suplada ka na." Na dineny ko namang bonggang-bongga na, "Ako umiiwas? Hindi a. Ba't naman ako iiwas?" (Pansin ko lang hanggang ngayon, ganito dialogue ko kapag nabubuking ako.. hahaha).

Pero hindi na talaga rin masyado kami nag-usap nun. Hanggang sa malapit nang maggraduation. Tumatawag siya sa amin noon lagi para magpadictate ng mga sagot sa review tests namin. Ewan ko nga kung bakit all of a sudden biglang ako yung naisipan niyang tawagan. At parang engot lang na hindi ba siya nakapakinig sa teachers namin nung umagang yun para tawagan pa ako at ulitin ko lang din mga sinabi ng teachers namin?! 

Tapos nung malapit nang mag-graduation ball noon, nagkasabay kami ulit pauwi. Kasama niya yung bestfriend niya, tapos kasama ko naman bestfriend ko. Ganito naging usapan namin:

Bestfriend niya: Camille hindi kayo pupunta sa gradball?
HC: Hindi naman pupunta yang mga yan e.
Ako: Oo hindi kami pupunta kasi may sarili kaming party e (sabay tawa ng pilit).
HC: Alam mo Camille, maraming madidisappoint na mag-aalok sa iyo kung hindi ka pupunta.

At sabi naman ng mahadera kong bestfriend, kasali raw si HC dun. Parang pinariringgan niya ako at that time "daw". Pero nabalitaan ko after nung grad ball, nakasayaw niya yung sinasabing crush daw niya sa classroom namin e and they looked good together. Habang tinutukso siya at that time, niloloko rin ako ng bestfriend ko noon. Sabi ba naman sa akin, "Hala Camille, iyak na. Iyak na!" Hahaha. Bwiset siya.


Tapos siyempre wala nang communication after ng highschool. Nung nagtatrabaho na lang ulit ako sa Bahrain. Minsan-minsan nakakapag-usap kami sa YM. Pinost ko pa nga yata yung ilan sa Multiply blog ko e.

At saka pala kanina nagkausap din kami. Medyo weird pero in a good way naman ang feeling ko sa kanya. Kasi super nagbago na siya. Hindi na siya yung dati na parang tuod na walang emosyon, at sobrang tahimik na tao. Ngayon, mas sociable na siya, marunong na mag-approach at nagkukwento na.

Nagtaka siya sa shout-out ko kanina kasi it's about my crush who's an Indian doctor na ikakasal na today. I call him Mcdreamy. Nagtaka tuloy si HC kung sino raw si Mcdreamy at siyempre naikwento ko. Hanggang sa nauwi ang kwentuhan sa kasal.

Ako: Ikaw kelan ka magpapakasal?
HC: Kapag umibig na.
Ako: Weh hindi ka pa umiibig?
HC: Bata pa ako para isipin ang mga ganung bagay...

At nauwi ang kwentuhan sa mga pinaggagagawa namin nung highschool kami. Nung seatmates pa kami, review partners, kopyahan buddies, at mga kung anu-ano pa.

Nakakamiss.

Nakakakilig pa rin.

Nothing beats highschool.

Iba pa rin si Highschool crush. :)



 

Wednesday, February 24, 2010

Reasons to be happy

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi pure happiness (aside sa sumasakit na puson dahil first day ko.. hahaha binlog pa e noh).

1. Naaayos ko na unti-unti ang papers ko. Tapos na siya sa Dep ed. Kukunin ko na siya by next week sa DFA at naka-red ribbon na. Dadalhin ko na yun after sa DHL para patatakan nila sa UAE embassy. Hindi naman pala ganun katagal din e. So one problem, almost solved!

2. Yung magiging kasamahan ko sa work sa Dubai, lagi akong tinatanong kung ano ng balita sa akin para raw mapaayos na niya yung visa ko. Sobrang thankful ako na napunta ako sa kanila kasi talagang tinutulungan naman nila ako. Gratitude ko na sa kanila na ipasa ko yung exam ko sa April.

3. Yung isa sa mga naging kaclose kong doktor sa ospital na pinagtrabahuan ko sa Bahrain dati ay ginreet ako sa fb ko. Nangangamusta. Talagang super touched ako nung binati niya ko. Actually kapag naaalala ko nga sila sa ngayon, yung mga kasamahan ko dun sa ospital na yun, naiiyak ako. Ako lang ang bukod tanging pinay nurse dun at lahat sila halos Indians. Pero mababait sila sa akin talaga. Magkakaiba man sa language, culture, religion, at POV sa buhay, masasabi kong maswerte ako dahil napasama ako sa kanila. Hindi naman lahat ng kalahi nila ay masama ang ugali. Parang Pinoy din. Hindi lahat dapat pagkatiwalaan. Pare-parehas lang tayong lahat na gawa ni God. Minsan, nagi-guilty ako dahil sa mga pinagsasabi ko sa dati kong blog about sa kanila. Siguro dala lang yun ng frustration ko sa work ko dun. Pero ganunpaman, I'm very grateful to them for giving me a wonderful working experience, and of course, for the friendship and trust that they've given me until now. I'm glad I have Indian friends! :)

4. Nagkasama-sama na naman kami ng mga kabarkada ko nung HS. Nagpaintball kami at sleep over nung Monday! Hehe. Ang saya-saya lang! I love you so much my BFFs!!! :)

Hahaha.. kinikilig yata ako habang nilalagyan ni Kuya ng gear!

Green team vs. Black team (Siyempre nanalo kami! Hahaha. Over-all champion yata ako! :D)
David Garcia Jrs. ang dating namin dito a!

4. Medyo ibinababa ko na ang walls ko. :) E kasi, pinangaralan ako ng isang tao. Yung walls ko raw lampas-lampasan na sa ulo ko (di ba nga sabi ko rin sa last entry ko nahihirapan din naman talaga ako). Fine, nakamoved on daw ako sa isang taong minahal at pinahalagahan ko noon na nauwi sa wala, pero dun sa situation na sinasabi kong ayaw ko nang balikan, yung pagiging takot kong maging pathetic, hindi raw. Kaya raw ako takot magtry kasi iniisip ko na masasaktan ako kaya umiiwas na ako agad. Which is true naman talaga. Kumbaga raw, hindi ko pa sinasagot ung lalake, iniisip ko na yung stage na masasaktan na ako! Hahaha parang praning lang!

Oo, si "O" yung nagsabi ng mga yan. Matanda na kasi kaya maraming nalalaman sa buhay! hahahaha. Ang natutuwa naman ako sa kanya, hindi niya ako pinepressure. Alam niya naman kasi na marami pa akong inaayos as of now, lalo na yung exam ko sa April. Sinusuportahan naman niya ako. At saka for the first time, parang sa kanya ko nafeel na hindi ko kailangang magworry na baka bukas wala na siya. Well, sana nga ganun. Basta, masarap lang ulit kiligin! hahahaha. arte lang e noh.


Hay Lord. Salamat ng sobra. Parang sobrang okay nga na umuwi muna ako. Well, marami pa akong mga pending na lakad. Marami pa kong pasalubong na hindi pa nabibigay.. hehe. Sana naman maibigay ko rin yun bago ako mag-fly away ulit.

Ang tanging ikinakakaba ko as of now, e yung nalalapit kong oral exam!!!!!!!! Nyay!!!! Nagrereview-review na rin naman ako. Kaso siyempre, praning ako, maski feeling ko hindi naman tatanungin sa akin e pinagkakaabalahan ko ng panahon. Nao-overwhelmed tuloy ako. Kaya sabi nung mga nakapasa ko nang co-workers ko dun sa Dubai, huwag ko raw pahirapan sarili ko sa pagrereview. Major diseases lang daw nga. Huwag i-memorize, intindihin lang. OKAY! Sige ganun na nga lang!


Pero nonetheless, super happy ako. :)))))))))



PS: Pinangalanan ko itong blog kong ito ng Everything but love life kasi sabi ko, malas ako sa parteng yun kaya ayoko na lang iblog. Pero mukhang these last few entries ko e tungkol dun. Hmmmm... Baka mapalitan ko na rin yung title ng blog kong ito a! Hahahaha. Joke. It's too early to say that. I'm just glad I have someone to cheer me up. :) (Shet, wala nang katapusang smiley ang entry na to a! hahaha)


Thursday, February 11, 2010

I Love this! :)

Hahaha.. I have always wanted to have animated pics/gif of my face. Finally!

Thanks to Gickr.com. Non-techie like me can make something like this in an instant! haha So love this! <3


I wonder if I can make this as my profile pic in facebook. Maybe not? Haha. O well, I also added my facebook account on the right side of this blog. However, I'll only add bloggers I know (through comments, blog roll, and tagboard).

So there. Camille is not an anonymous faceless blogger anymore. :)




Monday, February 8, 2010

Happy hearts day everyone!

For all the pics, credit goes to Plats. :)

Akala ko rin hindi about sa reporting ito! Haha.


Kung bakit kasi may mga pa-fall?! O di sana walang assuming!

Proven and affected! Haha


Or memorize talaga yung number niya! :)


Uh-hum... :o


A bit early for this greeting, I know. But I'm still anticipating Feb 14 of this year because of 3 reasons: PBB double up big night (Melay for the big winner! wohoo!!), expiration date of my visa (haha), and simply because it's Valentine's day. Who said it's only for couples? :)



                  

Again,

Happy Valentine's day! Much love and kisses!


--- **cutiemaartie.blogspot.com** :)

Saturday, January 23, 2010

LSS

I was singing this song for the whole week over and over again for no reason at all (I think). This song was actually old school but it has nice melody and great lyrics.

I Try by Macy Gray





This is the only song I've heard from Macy Gray (or I'm just not updated.. hehe) back then when she was famous. I wonder what happened to her career...


Anyway, GOOD NEWS! I already received my original documents from Philippines last Thursday. I got one authenticated (red-ribboned) by DFA, my professional registration certificate. My authenticated diploma and transcript are to follow. Yey! I'm just so happy.

Thank you Lord. Thank you DHL! :)

I'm still waiting for my original professional certificate from the hospital I've worked before in Bahrain, which I should be receiving by tomorrow, I hope.

Regarding my application for the department of health exam for nurses here, I've already submitted my photocopied credentials last Tuesday. They told me to come back on the 26th and bring my originals.

So there, I still have a shot on this one. I'm still hanging on! Haha.

Lots of prayers and support from you guys will be very much appreciated. So, 'till here for now.

Ta~ta!

Sunday, January 10, 2010

Yihee para sa 2010!


(Ok, so Tagalog ito sa ngayon)

Sa totoo lang, ayokong gumawa ng ganito. Sabi ko nga di ba sa previous entries ko, ayoko na masyadong gawing personal ang blog na ito. Pero there are times like this na I can't help it! So since ako naman ang may-ari ng blog na ito, e dapat lang na wala ng explanations di ba? Haha!



Para sa iyo,


Parehas tayong maraming problema as of now. Maraming bagay na iniisip, inaayos, and we're trying our best to be better persons. Natutuwa ako kasi magkalayo man tayo ngayon, you never fail to make me feel your concern for me. Minsan or siguro most of the time ayaw kitang kausapin kasi ayokong umasa at masaktan ulit. Ayokong madevelop sa iyo nang todong-todo. Magulo pa kasi ang buhay ko sa ngayon e. Gusto ko sana kapag pumasok na ako sa isang relationship, okay na ako. Maayos na ang career ko (hahaha.. Lord, alam mo na ito. Ako kasi hindi ko pa gets masyado), hindi na ako magulo magdesisyon, matapang na ako, at higit sa lahat, sigurado na ako sa feelings ko. So kailangan pa talaga natin ng time. Mahabang time. Ikaw rin naman e. You still have some issues to fix.

Pero gusto ko lang malaman mo, na sa mga oras na down ako, natutuwa ako kasi nandiyan ka para kausapin ako. Salamat sa mga kwento at pieces of advice. Ewan ko. Hindi ako sure. Pero feeling ko, may magic na. May kilig factor ka na sa akin. PERO pinipigilan ko pa rin! Hahaha. Ewan ko ba. Ayoko kasing maging super happy with this feeling tapos mawawala rin naman nang bigla. Gusto ko kasi talaga, yung sure na. Sabi sa iyo, magulo ako talaga e.

Alam mo ba (yuck ang corny neto promise), sa tuwing kausap kita, nae-excite na ako, napapa-smile at napapatawa na ako, kinakabahan ako, nilalamig ang mga kamay ko, at nagkakaroon din ako ng goosebumps. Minsan nga namumula pa tenga ko e! Hahaha. Shet. Ayoko nito e. Kinokontrol ko pa rin talaga kasi ang emotions ko. At FYI, kaya ko pa naman. Kontrolado ko pa naman as of now. Hindi ko nga alam kung tama ba na ganito ako e. Urung-sulong. Pero sabi ko nga kasi sa iyo, takot lang akong masaktan ulit. Sabi mo nga, ang taas ng bakod/walls ko sa sarili ko. At sabi mo rin, ikaw rin. Takot ka na rin sa ngayon. So ano na mangyayari sa atin kung ganito tayo? Hahaha.

Bahala na. Siguro ipaubaya na lang natin talaga kay Bro at sa tamang panahon. Oo, naniniwala pa rin ako na kung tayo talaga ang para sa isa't-isa, harangin man tayo ng sandamakmak na sibat, e tayo talaga. ANG KASO LANG, andami ko nang nasabihan nang ganun e hindi naman talaga nagtagal! Hahaha. So, bahala na talaga.


Gusto ko lang malaman mo (as if talaga mababasa mo ito di ba?), na sa tingin ko kahit dapat maging malungkot at hopeless na ako sa mga nangyayari sa akin sa ngayon, e isa ka sa mga dahilan kung bakit masaya pa rin ako. Sana huwag kang mawala at kayanin natin ang distance, time, duration, proximity at kung ano pang nasa pagitan natin. Pipilitin ko rin namang umalalay pa rin sa iyo at hindi mawala sa tabi mo. Sana kayanin natin. :)




Ayoko na. Tama na. Cheesy na. END na.


Monday, November 9, 2009

Friends...


They make you laugh your heart out.




They love and accept you for who you really are.




They help you carry your burden no matter how heavy it is.





Thank God for friends!