Showing posts with label cheesy. Show all posts
Showing posts with label cheesy. Show all posts

Thursday, March 25, 2010

Si Highschool crush :)

Ayoko nang maging emo kaya magba-blog na muna ako ng masaya ngayon :)

Nung 3rd yr. highschool kami, saka ko naging classmate si highschool crush (HC). Una ko siyang naging crush nung tinuruan niya ako sa Math noon. Hindi naman kami close pa noon tapos biglang lumapit na lang siya sa akin para turuan ako sa Math workbook namin. Ayun, simula noon, napansin ko na siya.

E ang kaso ang dami pa lang nagkakacrush din sa kanya! Hahaha. Sa itsura niyang yun na mukhang pusa?! haha. E siguro kasi, mysterious ang dating kasi tahimik.

Tapos naging seatmates kami nung 3rd quarter. Yung katabi ko sa kabila, nakakaasar yun. Magulo. Lagi akong inaasar tapos sinusulatan ako ng ballpen sa kamay. E sa diin ng pagsulat niya, nasusugatan na ako. Nakita yun ni HC. Bigla niyang hinawakan yung kamay kong may sugat, at biglang sabi: "Camille, magpapasulat ka na lang kasi sa kanya para hindi ka nasusugat." O di ba, ang sweet?! Hahaha. leche siya.

Tapos since seatmates nga kami, naging close na rin kami nun. Lagi kaming review partners. Tinatakpan ko nga mukha ko ng libro kapag siya na yung nirereview ko e.. hahaha. E kinikilig kasi ako noon tapos hindi ko mapigilan tawa ko (actually hanggang ngayon na sinusulat ko e natatawa ako). Tapos siya rin lagi kong kakopyahan sa lahat ng subjects.

Ang hindi ko makakalimutan, nung nagkasakit ako ng ilang araw tapos umabsent ako. Tapos nung pumasok na ako, may surprise quiz sa Math at sa Chemistry. E malamang hindi ko alam isasagot dun kasi kapapasok ko lang! Bumulong siya agad sa akin, "Camille, kopya ka na lang sa akin." E di siyempre perfect ako maski wala akong alam sa lesson na yun! Hahaha.

Nung 4th year na kami, narealized ko na parang gumagrabe na yung pagkagusto ko sa kanya na kailangan ko nang umiwas. May pagkaganun kasi akong ugali. Natatakot akong mahalata niya. Pero nahalata rin naman niya na umiiwas ako. Sabi pa niya sa akin nung nagkasabay kami minsan papuntang classroom, "Umiiwas ka na a. Suplada ka na." Na dineny ko namang bonggang-bongga na, "Ako umiiwas? Hindi a. Ba't naman ako iiwas?" (Pansin ko lang hanggang ngayon, ganito dialogue ko kapag nabubuking ako.. hahaha).

Pero hindi na talaga rin masyado kami nag-usap nun. Hanggang sa malapit nang maggraduation. Tumatawag siya sa amin noon lagi para magpadictate ng mga sagot sa review tests namin. Ewan ko nga kung bakit all of a sudden biglang ako yung naisipan niyang tawagan. At parang engot lang na hindi ba siya nakapakinig sa teachers namin nung umagang yun para tawagan pa ako at ulitin ko lang din mga sinabi ng teachers namin?! 

Tapos nung malapit nang mag-graduation ball noon, nagkasabay kami ulit pauwi. Kasama niya yung bestfriend niya, tapos kasama ko naman bestfriend ko. Ganito naging usapan namin:

Bestfriend niya: Camille hindi kayo pupunta sa gradball?
HC: Hindi naman pupunta yang mga yan e.
Ako: Oo hindi kami pupunta kasi may sarili kaming party e (sabay tawa ng pilit).
HC: Alam mo Camille, maraming madidisappoint na mag-aalok sa iyo kung hindi ka pupunta.

At sabi naman ng mahadera kong bestfriend, kasali raw si HC dun. Parang pinariringgan niya ako at that time "daw". Pero nabalitaan ko after nung grad ball, nakasayaw niya yung sinasabing crush daw niya sa classroom namin e and they looked good together. Habang tinutukso siya at that time, niloloko rin ako ng bestfriend ko noon. Sabi ba naman sa akin, "Hala Camille, iyak na. Iyak na!" Hahaha. Bwiset siya.


Tapos siyempre wala nang communication after ng highschool. Nung nagtatrabaho na lang ulit ako sa Bahrain. Minsan-minsan nakakapag-usap kami sa YM. Pinost ko pa nga yata yung ilan sa Multiply blog ko e.

At saka pala kanina nagkausap din kami. Medyo weird pero in a good way naman ang feeling ko sa kanya. Kasi super nagbago na siya. Hindi na siya yung dati na parang tuod na walang emosyon, at sobrang tahimik na tao. Ngayon, mas sociable na siya, marunong na mag-approach at nagkukwento na.

Nagtaka siya sa shout-out ko kanina kasi it's about my crush who's an Indian doctor na ikakasal na today. I call him Mcdreamy. Nagtaka tuloy si HC kung sino raw si Mcdreamy at siyempre naikwento ko. Hanggang sa nauwi ang kwentuhan sa kasal.

Ako: Ikaw kelan ka magpapakasal?
HC: Kapag umibig na.
Ako: Weh hindi ka pa umiibig?
HC: Bata pa ako para isipin ang mga ganung bagay...

At nauwi ang kwentuhan sa mga pinaggagagawa namin nung highschool kami. Nung seatmates pa kami, review partners, kopyahan buddies, at mga kung anu-ano pa.

Nakakamiss.

Nakakakilig pa rin.

Nothing beats highschool.

Iba pa rin si Highschool crush. :)



 

Wednesday, February 3, 2010

My most favorite song of 2009

I've blogged this song before but this video is way cooler than the other video.

So to all those cheesy, hopeless romantic, and jologs as I am, enjoy this vid! :)

Sunday, January 10, 2010

Yihee para sa 2010!


(Ok, so Tagalog ito sa ngayon)

Sa totoo lang, ayokong gumawa ng ganito. Sabi ko nga di ba sa previous entries ko, ayoko na masyadong gawing personal ang blog na ito. Pero there are times like this na I can't help it! So since ako naman ang may-ari ng blog na ito, e dapat lang na wala ng explanations di ba? Haha!



Para sa iyo,


Parehas tayong maraming problema as of now. Maraming bagay na iniisip, inaayos, and we're trying our best to be better persons. Natutuwa ako kasi magkalayo man tayo ngayon, you never fail to make me feel your concern for me. Minsan or siguro most of the time ayaw kitang kausapin kasi ayokong umasa at masaktan ulit. Ayokong madevelop sa iyo nang todong-todo. Magulo pa kasi ang buhay ko sa ngayon e. Gusto ko sana kapag pumasok na ako sa isang relationship, okay na ako. Maayos na ang career ko (hahaha.. Lord, alam mo na ito. Ako kasi hindi ko pa gets masyado), hindi na ako magulo magdesisyon, matapang na ako, at higit sa lahat, sigurado na ako sa feelings ko. So kailangan pa talaga natin ng time. Mahabang time. Ikaw rin naman e. You still have some issues to fix.

Pero gusto ko lang malaman mo, na sa mga oras na down ako, natutuwa ako kasi nandiyan ka para kausapin ako. Salamat sa mga kwento at pieces of advice. Ewan ko. Hindi ako sure. Pero feeling ko, may magic na. May kilig factor ka na sa akin. PERO pinipigilan ko pa rin! Hahaha. Ewan ko ba. Ayoko kasing maging super happy with this feeling tapos mawawala rin naman nang bigla. Gusto ko kasi talaga, yung sure na. Sabi sa iyo, magulo ako talaga e.

Alam mo ba (yuck ang corny neto promise), sa tuwing kausap kita, nae-excite na ako, napapa-smile at napapatawa na ako, kinakabahan ako, nilalamig ang mga kamay ko, at nagkakaroon din ako ng goosebumps. Minsan nga namumula pa tenga ko e! Hahaha. Shet. Ayoko nito e. Kinokontrol ko pa rin talaga kasi ang emotions ko. At FYI, kaya ko pa naman. Kontrolado ko pa naman as of now. Hindi ko nga alam kung tama ba na ganito ako e. Urung-sulong. Pero sabi ko nga kasi sa iyo, takot lang akong masaktan ulit. Sabi mo nga, ang taas ng bakod/walls ko sa sarili ko. At sabi mo rin, ikaw rin. Takot ka na rin sa ngayon. So ano na mangyayari sa atin kung ganito tayo? Hahaha.

Bahala na. Siguro ipaubaya na lang natin talaga kay Bro at sa tamang panahon. Oo, naniniwala pa rin ako na kung tayo talaga ang para sa isa't-isa, harangin man tayo ng sandamakmak na sibat, e tayo talaga. ANG KASO LANG, andami ko nang nasabihan nang ganun e hindi naman talaga nagtagal! Hahaha. So, bahala na talaga.


Gusto ko lang malaman mo (as if talaga mababasa mo ito di ba?), na sa tingin ko kahit dapat maging malungkot at hopeless na ako sa mga nangyayari sa akin sa ngayon, e isa ka sa mga dahilan kung bakit masaya pa rin ako. Sana huwag kang mawala at kayanin natin ang distance, time, duration, proximity at kung ano pang nasa pagitan natin. Pipilitin ko rin namang umalalay pa rin sa iyo at hindi mawala sa tabi mo. Sana kayanin natin. :)




Ayoko na. Tama na. Cheesy na. END na.