Ayoko nang maging emo kaya magba-blog na muna ako ng masaya ngayon :)
Nung 3rd yr. highschool kami, saka ko naging classmate si highschool crush (HC). Una ko siyang naging crush nung tinuruan niya ako sa Math noon. Hindi naman kami close pa noon tapos biglang lumapit na lang siya sa akin para turuan ako sa Math workbook namin. Ayun, simula noon, napansin ko na siya.
E ang kaso ang dami pa lang nagkakacrush din sa kanya! Hahaha. Sa itsura niyang yun na mukhang pusa?! haha. E siguro kasi, mysterious ang dating kasi tahimik.
Tapos naging seatmates kami nung 3rd quarter. Yung katabi ko sa kabila, nakakaasar yun. Magulo. Lagi akong inaasar tapos sinusulatan ako ng ballpen sa kamay. E sa diin ng pagsulat niya, nasusugatan na ako. Nakita yun ni HC. Bigla niyang hinawakan yung kamay kong may sugat, at biglang sabi: "Camille, magpapasulat ka na lang kasi sa kanya para hindi ka nasusugat." O di ba, ang sweet?! Hahaha. leche siya.
Tapos since seatmates nga kami, naging close na rin kami nun. Lagi kaming review partners. Tinatakpan ko nga mukha ko ng libro kapag siya na yung nirereview ko e.. hahaha. E kinikilig kasi ako noon tapos hindi ko mapigilan tawa ko (actually hanggang ngayon na sinusulat ko e natatawa ako). Tapos siya rin lagi kong kakopyahan sa lahat ng subjects.
Ang hindi ko makakalimutan, nung nagkasakit ako ng ilang araw tapos umabsent ako. Tapos nung pumasok na ako, may surprise quiz sa Math at sa Chemistry. E malamang hindi ko alam isasagot dun kasi kapapasok ko lang! Bumulong siya agad sa akin, "Camille, kopya ka na lang sa akin." E di siyempre perfect ako maski wala akong alam sa lesson na yun! Hahaha.
Nung 4th year na kami, narealized ko na parang gumagrabe na yung pagkagusto ko sa kanya na kailangan ko nang umiwas. May pagkaganun kasi akong ugali. Natatakot akong mahalata niya. Pero nahalata rin naman niya na umiiwas ako. Sabi pa niya sa akin nung nagkasabay kami minsan papuntang classroom, "Umiiwas ka na a. Suplada ka na." Na dineny ko namang bonggang-bongga na, "Ako umiiwas? Hindi a. Ba't naman ako iiwas?" (Pansin ko lang hanggang ngayon, ganito dialogue ko kapag nabubuking ako.. hahaha).
Pero hindi na talaga rin masyado kami nag-usap nun. Hanggang sa malapit nang maggraduation. Tumatawag siya sa amin noon lagi para magpadictate ng mga sagot sa review tests namin. Ewan ko nga kung bakit all of a sudden biglang ako yung naisipan niyang tawagan. At parang engot lang na hindi ba siya nakapakinig sa teachers namin nung umagang yun para tawagan pa ako at ulitin ko lang din mga sinabi ng teachers namin?!
Tapos nung malapit nang mag-graduation ball noon, nagkasabay kami ulit pauwi. Kasama niya yung bestfriend niya, tapos kasama ko naman bestfriend ko. Ganito naging usapan namin:
Bestfriend niya: Camille hindi kayo pupunta sa gradball?
HC: Hindi naman pupunta yang mga yan e.
Ako: Oo hindi kami pupunta kasi may sarili kaming party e (sabay tawa ng pilit).
HC: Alam mo Camille, maraming madidisappoint na mag-aalok sa iyo kung hindi ka pupunta.
At sabi naman ng mahadera kong bestfriend, kasali raw si HC dun. Parang pinariringgan niya ako at that time "daw". Pero nabalitaan ko after nung grad ball, nakasayaw niya yung sinasabing crush daw niya sa classroom namin e and they looked good together. Habang tinutukso siya at that time, niloloko rin ako ng bestfriend ko noon. Sabi ba naman sa akin, "Hala Camille, iyak na. Iyak na!" Hahaha. Bwiset siya.
Tapos siyempre wala nang communication after ng highschool. Nung nagtatrabaho na lang ulit ako sa Bahrain. Minsan-minsan nakakapag-usap kami sa YM. Pinost ko pa nga yata yung ilan sa Multiply blog ko e.
At saka pala kanina nagkausap din kami. Medyo weird pero in a good way naman ang feeling ko sa kanya. Kasi super nagbago na siya. Hindi na siya yung dati na parang tuod na walang emosyon, at sobrang tahimik na tao. Ngayon, mas sociable na siya, marunong na mag-approach at nagkukwento na.
Nagtaka siya sa shout-out ko kanina kasi it's about my crush who's an Indian doctor na ikakasal na today. I call him Mcdreamy. Nagtaka tuloy si HC kung sino raw si Mcdreamy at siyempre naikwento ko. Hanggang sa nauwi ang kwentuhan sa kasal.
Ako: Ikaw kelan ka magpapakasal?
HC: Kapag umibig na.
Ako: Weh hindi ka pa umiibig?
HC: Bata pa ako para isipin ang mga ganung bagay...
At nauwi ang kwentuhan sa mga pinaggagagawa namin nung highschool kami. Nung seatmates pa kami, review partners, kopyahan buddies, at mga kung anu-ano pa.
Nakakamiss.
Nakakakilig pa rin.
Nothing beats highschool.
Iba pa rin si Highschool crush. :)