Wednesday, February 24, 2010

Reasons to be happy

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi pure happiness (aside sa sumasakit na puson dahil first day ko.. hahaha binlog pa e noh).

1. Naaayos ko na unti-unti ang papers ko. Tapos na siya sa Dep ed. Kukunin ko na siya by next week sa DFA at naka-red ribbon na. Dadalhin ko na yun after sa DHL para patatakan nila sa UAE embassy. Hindi naman pala ganun katagal din e. So one problem, almost solved!

2. Yung magiging kasamahan ko sa work sa Dubai, lagi akong tinatanong kung ano ng balita sa akin para raw mapaayos na niya yung visa ko. Sobrang thankful ako na napunta ako sa kanila kasi talagang tinutulungan naman nila ako. Gratitude ko na sa kanila na ipasa ko yung exam ko sa April.

3. Yung isa sa mga naging kaclose kong doktor sa ospital na pinagtrabahuan ko sa Bahrain dati ay ginreet ako sa fb ko. Nangangamusta. Talagang super touched ako nung binati niya ko. Actually kapag naaalala ko nga sila sa ngayon, yung mga kasamahan ko dun sa ospital na yun, naiiyak ako. Ako lang ang bukod tanging pinay nurse dun at lahat sila halos Indians. Pero mababait sila sa akin talaga. Magkakaiba man sa language, culture, religion, at POV sa buhay, masasabi kong maswerte ako dahil napasama ako sa kanila. Hindi naman lahat ng kalahi nila ay masama ang ugali. Parang Pinoy din. Hindi lahat dapat pagkatiwalaan. Pare-parehas lang tayong lahat na gawa ni God. Minsan, nagi-guilty ako dahil sa mga pinagsasabi ko sa dati kong blog about sa kanila. Siguro dala lang yun ng frustration ko sa work ko dun. Pero ganunpaman, I'm very grateful to them for giving me a wonderful working experience, and of course, for the friendship and trust that they've given me until now. I'm glad I have Indian friends! :)

4. Nagkasama-sama na naman kami ng mga kabarkada ko nung HS. Nagpaintball kami at sleep over nung Monday! Hehe. Ang saya-saya lang! I love you so much my BFFs!!! :)

Hahaha.. kinikilig yata ako habang nilalagyan ni Kuya ng gear!

Green team vs. Black team (Siyempre nanalo kami! Hahaha. Over-all champion yata ako! :D)
David Garcia Jrs. ang dating namin dito a!

4. Medyo ibinababa ko na ang walls ko. :) E kasi, pinangaralan ako ng isang tao. Yung walls ko raw lampas-lampasan na sa ulo ko (di ba nga sabi ko rin sa last entry ko nahihirapan din naman talaga ako). Fine, nakamoved on daw ako sa isang taong minahal at pinahalagahan ko noon na nauwi sa wala, pero dun sa situation na sinasabi kong ayaw ko nang balikan, yung pagiging takot kong maging pathetic, hindi raw. Kaya raw ako takot magtry kasi iniisip ko na masasaktan ako kaya umiiwas na ako agad. Which is true naman talaga. Kumbaga raw, hindi ko pa sinasagot ung lalake, iniisip ko na yung stage na masasaktan na ako! Hahaha parang praning lang!

Oo, si "O" yung nagsabi ng mga yan. Matanda na kasi kaya maraming nalalaman sa buhay! hahahaha. Ang natutuwa naman ako sa kanya, hindi niya ako pinepressure. Alam niya naman kasi na marami pa akong inaayos as of now, lalo na yung exam ko sa April. Sinusuportahan naman niya ako. At saka for the first time, parang sa kanya ko nafeel na hindi ko kailangang magworry na baka bukas wala na siya. Well, sana nga ganun. Basta, masarap lang ulit kiligin! hahahaha. arte lang e noh.


Hay Lord. Salamat ng sobra. Parang sobrang okay nga na umuwi muna ako. Well, marami pa akong mga pending na lakad. Marami pa kong pasalubong na hindi pa nabibigay.. hehe. Sana naman maibigay ko rin yun bago ako mag-fly away ulit.

Ang tanging ikinakakaba ko as of now, e yung nalalapit kong oral exam!!!!!!!! Nyay!!!! Nagrereview-review na rin naman ako. Kaso siyempre, praning ako, maski feeling ko hindi naman tatanungin sa akin e pinagkakaabalahan ko ng panahon. Nao-overwhelmed tuloy ako. Kaya sabi nung mga nakapasa ko nang co-workers ko dun sa Dubai, huwag ko raw pahirapan sarili ko sa pagrereview. Major diseases lang daw nga. Huwag i-memorize, intindihin lang. OKAY! Sige ganun na nga lang!


Pero nonetheless, super happy ako. :)))))))))



PS: Pinangalanan ko itong blog kong ito ng Everything but love life kasi sabi ko, malas ako sa parteng yun kaya ayoko na lang iblog. Pero mukhang these last few entries ko e tungkol dun. Hmmmm... Baka mapalitan ko na rin yung title ng blog kong ito a! Hahahaha. Joke. It's too early to say that. I'm just glad I have someone to cheer me up. :) (Shet, wala nang katapusang smiley ang entry na to a! hahaha)


6 comments:

Anonymous said...

:)
im hapi 4 u coz:)
sana na fil q n din yang pure happiness gaya ng nrrmadam u now :)

gudluck s exam camille! :)

classiquefille said...

At least nagkakalinaw na ang lahat! :) Nauntog ka na rin wag kasing masaydong mapraning..

Mag-review ka lang. Maipapasa mo naman un eh. :)


Good luck!!


Nga pala, bakit happy 28th? Matanda na ba talaga ako? 28 years old? hahaha Or..check mo muna calendar mo..hahaha

Camille said...

@kayedee: salamat gurl! may bago na naman akong blogger friend at ikaw yun! hahahaha :)

@rona: salamat. oo nauntog na ako. mahirap din naman talaga ung ginawa ko. imagine, ang tagal ko rin palang stuck up.. hahaha.

28 kasi ikaw pinakamatured sa amin kahit ikaw pinakabata. matured in terms of opinions ha (hindi naman sa itsura! haha). at salamat dahil friend kita at lagi kang andiyan para magbigay ng advice. salamat!!! :)

Anonymous said...

shalamat nmn po at u consider me a fren yipeee.. wla ng bawian! fren n tau gurl! hehehe :)

elmie said...

so happy for you, marzie! marami kang life-changing realizations lately ha. hehehe

gudlak din sa karir! XD

classiquefille said...

ay na-touch naman ako..hehe Balitaan mo kami pag-aalis ka na ha.. :) Sana magkita tayo diyan.. haha (nangangarap lang po.. :D)


Buti nga at nakikinig ka sa mga advice na binibigay ko..may katuturan pala..haha :)

Balitaan mo ako sa love story niyo..hehe makakasulat ka rin ng inyo yihiii