Usapan namin ng friend ko kanina sa ym:
Friend: Sana yung dating Camille ang naabutan niya.. hehehe
Ako: Na? Yung banat ng banat? hahaha
Friend: Oo. Yung Camille na hindi pa takot.
Iniisip ko yan simula pa kanina. Siguro nga, sobrang natakot na ako na masaktan ulit kaya ganito ako ngayon. Ngayon kasi, dinibdib ko na masyado ang mga katagang "Guard your heart."
Hindi ako ganito noon, promise. Noon, utu-uto ako, madaling mabola, at madaling ma-fall. At madalas akong masaktan dahil sa kashungahan kong ganyan. Madalas akong umiyak, madalas magpakapathetic, at ang laging sumbungan ay ang dakilang blog na mababasa ng ibang tao. Tapos mababasa ko ulit yun after some time, at eeewwwness naman talaga! Hahaha.
Ayoko na nang ganun. Kaya tinuruan ko sarili ko maging numb. I put walls around myself. Sa bawat actuations ng kung sinuman (mostly lalakeng nagpapacute), lahat nilalagyan ko ng negative meaning. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na, hindi rin yan magtatagal katulad ng iba. Huwag ka mag-invest ng special feelings mo diyan. Masasabi kong it worked naman for me. Kumbaga, mas pinapagana ko na kasi yung utak ko. Hindi na yung lagi nadadaan sa emosyon.
Minsan, ang dami kong tanong na gustong itanong, ang dami kong bagay na gusto kong gawin, pero dahil I have my walls around me, I was restricted. Limited yung kilos ko. Dapat eto lang ang sasabihin, dapat eto lang ang ipaparamdam. Nothing more, nothing less.
Mahirap din pala. Hindi ko masabi lahat ng gusto kong sabihin kasi nga natatakot ako na baka pag may mali akong nasabi o nagawa, mawawala yung isang bagay/tao na mahalaga sa akin. Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa kong ganito. In fairness, wala pa namang nasisira na anuman. Hindi naman ako nasasaktan pa nang bonggang-bongga kagaya noon na kailangan kong iiyak.
Pero hindi rin naman ako masaya. So, ibig sabihin ba tama yung ginagawa ko?
Nag-iingat lang naman kasi ako. Ayoko lang matulad sa dati na I always give chance pero sa huli ako yung umuuwing luhaan. Mahirap din kaya magmove on at mahirap magsimula ulit na parang walang nangyari!
Naalala ko tuloy yung sabi nung isa ko pang friend sa akin. Totoo raw yung kantang I know I'll never love this way again. Kasi once you've been hurt by what had happened in the past, you'd be too cautious with your actions the next time.
Hay, siguro nga totoo yung kantang yun.
Pero ayoko namang habambuhay akong takot. Siguro, darating din ang time na may isang taong makakatibag ng walls ko. :)
14 comments:
Talagang senting-senti ah..hehe Nung una ung "banat na banat" ang pagkakaintindi ko dun eh parang banat na buhok? Pero, BAnat pala hindi baNAT..(tama ba..lalo akong naguluhan..haha)
You were hurt pero you shouldn't close your heart completely. Kasi malay mo, sa kakaganyan mo ayan na pala SIYA hindi mo pa pinapasok. :)
Sabi nga nila, "Don't cry because it is over, smile because it happened."
And if you get hurt.. "There's always going to be people that hurt you so what you have to do is keep on trusting and just be more careful about who you trust next time around."
May sense ba ung mga pinagsasabi ko? haha Kakaaliw kasi ung blog mo eh..hehe :)
haha Baaaa-nat yung sinasabi ko. as in go lang ng go! hehe
ang hirap lang kasi ibigay ulit ung trust mo completely. baka in the end, masaktan ulit ako. ayoko lang talaga yung bumalik ako dun sa dating stage kung saan pinupulot ko isa-isa yung sarili ko. yehes, ang drama! hahaha pero totoo, nahirapan ako nun nang matagal. kaya sabi ko, sa susunod, mag-iingat na ako. which is sa tingin ko, nasobrahan ata.. haha
ewan. bahala na si Lord :)
haha Baaaa-nat yung sinasabi ko. as in go lang ng go! hehe
ang hirap lang kasi ibigay ulit ung trust mo completely. baka in the end, masaktan ulit ako. ayoko lang talaga yung bumalik ako dun sa dating stage kung saan pinupulot ko isa-isa yung sarili ko. yehes, ang drama! hahaha pero totoo, nahirapan ako nun nang matagal. kaya sabi ko, sa susunod, mag-iingat na ako. which is sa tingin ko, nasobrahan ata.. haha
ewan. bahala na si Lord :)
Mahirap din kaya magmove on at mahirap magsimula ulit na parang walang nangyari! - i agree haha un nga ung pnkamahirap na part ung parang wala lang nangyari lol.. anyway okay lang yan! naalala ko sabi ni ryan saken dati pa, syempre di naman ako nkikinig tlga haha..sabi nia minsan daw kelangan mo ng walls sabi nga nia dapat daw yung tipong patong patong at may kadena pa daw, para daw malaman mo sino yung taong mageefort para magbreak through dun and all..bsta and all.. e yun na nga... antagal anu nakakapagod na din kakailusyon minsan lol..pero meron yan meroN!! hehe i feel it hehehe, ay nako tlga ang kulet netong mga kaduty ko binbasa yung mga kaartehan ko sa blog tas inaasar ako haha
hahaha.. maganda naman mga nakalagay sa blog mo a. e wish ko lang nga mabasa un talaga nung soulmate mong suplado! ;P
pero sa ngaun, alam mo, hati pa rin ang desisyon ko. to think lapit na ng deadline ko ha. utak ko, siyempre gusto mag-stay. puso, sabi umuwi.. haha. pero gaya nga ng sabi ko sa entry na ito, mas pinapagana ko na ang utak ko ngaun. eto na kasi ung chance e. :)
basta salamat sa talk natin the other day! hahaha. sobrang nagets ko na ang dapat kong gawin simula nung papiliin mo ko sa kung anong mas gusto ko. kung career o .... :D
As of now takot ka, pero darating din na magiging open ka na..minsan nga eh hindi mo namamalayan yan..
So, ano na nga pala real score? Nag-uusap pa ba kayo?
@rona: ok naman kami. pero these past few days, hindi na masyado nakakapag-usap. pumapasok-pasok din kasi ako na ngaun. e gabi na ko nauwi. e anong oras na ang gabi dito diyan.. hehe. ym tau minsan. :)
bakla, wala naman msama if mglalagay ka ng walls sa sarili and hindi rin kita masisisi.. pero sana hindi nga lang sobra hehehe!
tska be careful rin kc malay mo siya na nga un hindi mo pa binigyan ng chance sayang naman.. kaya lang cguro nsabi ng friend mo un kc nga mas madali sana ung process ng paglalapit nyong dalawa kung ung dating camil ang nkilala niya.. walang ingat ingat.. walang pigil pigil.. bsta hinahayaan lang ang sariling mafall.. ;)
ahh basta come wt may na lang.. :)
sino ba ang bagong boylet ngayon?
@charee: tama ka. come what may na lang. btw, kilala mo ba ung sinasabi kong friend na naka-ym ko? haha
@cha: hahahaha ewan ko sau.
Bilang isang certified shunga na hindi marunong magtayo ng walls sa paligid niya, ay wala akong maipapayo sayo! Kailangan ko rin payuhan ang sarili ko, sabi ng iba. Ako naman, carry lang. Eto ako. Hindi ako takot magmahal. Masaktan ako, sige. Masarap naman na magmahal. Mas masaya kesa malungkot para sa sakin.
@ate kat: ewan ko kung ako mali or ikaw. siguro nga ako kasi natakot na ako.. haha di bale. darating din siguro ang lalakeng makakagamot sa phobia ko.. hahaha OA ko naman! :P
cge lang take lang ng take ng chance.. but of course don't let your guard down diba. saka feeling ko matic na un, ung maging wiser ka talaga? i mean nagiging parte na ng siste mo un
- aubrey
hmmm.. minsan kasi nakakatakot din magtake ng chance. siguro bahala na lang si Bro ;P haha ang serious ng advice mo aubrey a. hindi ako sanay! char!!!!!!
PS: si paul jake na gusto ko maging big winner! hahaha balimbing e noh
Post a Comment