Hindi ko na naiintindihan. Ang gulo na talaga ng nangyayari sa buhay ko ngayon (kaya ulit Tagalog ito kasi sumasakit na ng todo ulo ko.. huhuhu).
Sabi ko sa previous entry ko di ba okay na papers ko for exam. Ang problema ko na lang ay yung date ng exam di ba. Kaya napagdesisyunan ko na uuwi na muna (sana) ako ng Pinas for 35 days kasi nga malapit na mag-expire visa ko. Tapos sa Pinas na lang ako magrereview at ipagpapatuloy ko yung pagpapatatak ng UAE embassy sa documents ko. Excited na nga ako e. Namili na ako kahapon ng ilang pasalubong. Kaso kanina nung nasa ospital ako, nakausap ko yung doktor. Sabi niya, vivisahan na lang daw niya ako ng iba (secretary/receptionist) para hindi na ako umuwi. I-take ko na raw yung urgent exam which is sa Feb 17 nga. Sa totoo lang, dapat natutuwa ako di ba? Kasi less gastos yun sa pamasahe pauwi ng Pinas at pabalik ulit dito.
Ang kaso, ang dami ko pa ring worries. Like yung TOR at diploma ko, tapos na yun sa DFA. Naka-red ribbon na sila, ang kaso wala pang UAE embassy seal. Pina-stop ko na dun sa stage na yun sa tita ko na tumutulong sa akin umayos nun na nasa Pinas. Sabi ko kasi, ako na lang mag-aayos pag-uwi ko. E kaso yun nga. Bigla namang nagbago na naman ang ihip ng hangin at eto, ipapa-rush ko na naman sa kanya yun. Hey buhey, you're so gulo.
Isa pa, ewan ko kung kaya kong mag-exam sa 17. Oral examinations dito e. Alam ko mas magaling ako sa written. Kabisote kasi ako e. Tapos pinepressure pa ako ng mga magiging kasamahan kong nurses dun sa trabaho. Sabi nila kaya ko raw yun kasi nga sa eskwelahan na pinag-graduate-an ko ng college. Sila nga raw galing sa ganitong nursing college lang, nakapasa, e di lalo na raw ako. Sa totoo lang, hindi ako natutuwa kapag sinasabi nila yun. Lalo akong nape-pressure na dapat mapasa ko yun. Hindi naman sa eskwelahan nakukuha yun e. Ewan ko rin kung bakit ako nakapasa sa entrance exam dun, sa cut-off grade, at higit sa lahat sa sandamakmak na exams na dinaanan ko nung college hanggang sa naka-graduate ako. In fairness, mas mataas din board rating ko sa kanila (hahaha.. yumayabang na ako sa part na to. Pero totoo yan nung nagkukwentuhan kami kanina).
Pero bakit ganun? Parang sobrang nawala yung tiwala ko sa sarili ko.
Pero gaya nga ng sinabi ko sa last entry ko, ibinigay na ni God sa akin itong chance na ito at hindi ko na dapat balewalain. Eto na nga e. Hindi na ako mag-e-exit sa Pinas. Ang kailangan ko na lang gawin ay manalangin na mapaayos agad papers ko, at siyempre magreview.
Kaya ko ito. RN naman ako a. At graduate ako ng school ko! Yehes. I can do this baby!
Kaya siguro, yung pag-uwi ng Pilipinas kahit excited at may mga pasalubong na ako, ipagpapaliban ko na muna. Babalik at babalik pa rin naman ako dun e. Hindi naman mawawala yun. Isa pa, ang mahalaga ngayon ay maayos ko muna yung buhay ko rito at makapagtrabaho nang makaipon. Dami ko na utang kina parents! :(
So eto. Andito pa rin ako. Go go go pa rin at fight fight fight! :) Hay Lord, please help me.
So magiging busy muna siguro ako these coming weeks. Sa pag-aayos ng papers, pagduduty, at pagrereview. Kaya ko ito!
*********************************************************************************
Ako: E ikaw kamusta ka naman?
O: Ok naman... masaya na.
Ako: E bat ka happy na?
O: Kasi uuwi ka na :)
Last na usapan namin. Kaya excited na rin yata ako umuwi e. Ang kaso, hindi nga matutuloy siguro. Ganun e. Kailangan ko munang ayusin ang buhay ko. :(
**********************************************************************************