Salamat... :) Natutuwa naman ako at may mga lurkers pala ang munti kong blog na ito. In fairness, may mga nagsesend na sa akin ng emails.. hahaha. Take note of the word "MGA". Promise, tumataba ang puso ko sa inyo. Maraming salamat naman at naa-appreciate niyo ang aking mga sinusulat. Balak ko tuloy i-delete yung mga "emo" posts ko.. hahaha. E kasi naman e. Nakakahiya. Akala ko walang nagbabasa nito at joke-time lang yung numbers ng visitors sa baba ng blog ko (ui, tumingin sa baba.. hehe). Kaya maski heto, pagod at inaantok na ako e i-a-update ko naman itong blog ko. :)
Isa sa mga natanggap kong emails ay nagrequest na i-post ko raw ang experience ko during my DOH exam last April 15. Kaya ikukwento ko na lang kahit ligwak ang beauty ko.. hahaha.
Ganito yun...
3pm ang exam ko sa Rashid Hospital-Auditorium/Library. Sa mga mag-e-exams at walang service kagaya ko, papasukin niyo yung taxi sa may bandang loob ng Rashid hospital. Huwag kayo magpahatid dun lang sa may labas dahil medyo malayo pa yung building. Take note: Separate ang building ng Auditorium/Library ng Rashid Hospital kesa dun sa mismong ospital. Brown building yun. Sa may bandang likod. Kasi kung lalakarin niyo lang e goodluck sa init.
O di nakita ko na rin yung building after mga 30 minutes na paghanap nun (kasi nga hindi ko pinapasok yung taxi sa may loob). E nako, wala pang tao. 2 Indians pa lang ang naka-upo dun sa may parang canteen. Nginitian ko since friendly naman ako. Ngumiti rin yung Indian girl at nilapitan ako at tinanong kung mag-e-exam nga rin ako.
Indian girl: You've worked in which department?
Ako: ER. You?
Indian girl: Pediatrics. How many years?
Ako: Only 1 year. You? (haha.. puros "you" e noh)
Indian girl: Me too. One year. 6 months in Pediatrics and 4 months in general.
Ako: (Umandar ang pagiging pakialamera. Nakita ko yung lalakeng Indian na kasama niya. Mukhang matanda kesa sa kanya) Is that your father?
Indian girl: (Laughs) No. He's my husband.
Ako: (Laughs) Oh, sorry! (covers face)
Indian girl: It's ok. (sabay balik sa table. kinuwento siguro sa asawa at yung asawa e lumabas ng building.. hahaha)
Matagal-tagal ako naghintay. Kasi 2pm ako dumating e. 8 Indians ang andun for examinations tapos 3 pinoy kami. Dumating na yung mga mag-iinterview. Lumabas yung isa. Matandang babae na naka-abaya na mukhang masungit. Tinawag kaming lahat at sinabi kung pang-ilan kami sa mga tatawagin nila. Pangatlo ako.
Maliit lang yung room na pinagka-conductan ng interview. Parang yung table sa mga meetings sa office yung table dun tapos kaharap mo yung 3 panelists. 3 babae yung panelists namin at that time. Yung matandang babae na naka-abaya na mukhang masungit na tumawag sa amin kanina, isang babaeng mukhang African, at saka isang British female na naka-abaya. Kaya alam kong British kasi sa accent (hindi ko maintindihan kasi nung una.. haha).
Bago ako tawagin, hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko noon. Basta, may bad feeling ako e. Pagbaba ko kasi ng taxi, napigtas yung personalized keychain na remembrance sa akin ng BFF ko sa pinas. Feeling ko masamang sign yun.. hahaha. Para akong naiihi na nauuhaw na nilalamig. Buti hindi ako hinimatay.. hehe.
Paglabas ng naunang examinee kesa sa iyo, hindi ka muna dapat papasok. Titingin ka dun sa glass door para kapag sinenyasan ka nung mga panelists na pwede ka nang pumasok, saka ka pa lang papasok. Kasi sabi nila baka pumasok na lang daw dun basta-basta e hindi pa nila tapos pag-usapan yung naunang examinee.
E di ako na. Sinenyasan na nila ako na pwede na kong pumasok...
Ako: Good afternoon madame.
Panelist 2 (P2): Good afternoon. Have a sit. Tell us something about your experience.
Ako: I graduated Bachelor of Science in Nursing last 2007. I have worked in Bahrain for a year. I've worked in Dr.******** Diabetic clinic and ****** hospital. It is a 50-bedded private hospital. I was assigned in ER, OPD, and In-patient ward.
P1(yung mukhang masungit): Why did you leave Bahrain?
Ako: Because I have to go back to Philippines to fix something important.
P1: Why don't you just go back in Bahrain? Why here in Dubai? (Parang ang sakit na ng ulo niya. Nakahawak sa ulo niya habang nakapatong yung siko sa table)
Ako: (Medyo nairita kasi kulang na lang sabihin sa akin huwag ako magtrabaho rito) Because I'm already here in Dubai, madame. My aunt sponsored me for a visit visa and she said to try to take the exam.
P1: Where were you assigned again? (Hindi pa nakikinig sa akin kanina!)
Ako: In ER madame.
P1: Only there?
Ako: In in-patient ward madame.
P1: In-patient? What's that?
Ako: It's also a medical ward madame.
P1: It's a medical ward. You have to tell us that because we don't know what in-patient means. We don't use it here.
P1: Ok. Tell me something about congestive heart failure.
Ako: It occurs when the heart cannot pump adequate blood to supply the oxygen demand in the body.
P1: Due to?
Ako: (Nawindang kasi yan lang yung naaalala ko about CHF. MI na yung naaalala ko) Because there is blockage or ischemia...
P1: NO.
Ako: The heart cannot pump adequate blood supply because.... the left ventricle of the heart is weakened..
P1: NO. Your first part of your definition is correct but the second one is not. How do you treat patients with CHF?
Ako: *Panic mode* (MI na talaga naiisip ko rito!) Nitroglycerine?
P1: NO.
Ako: Beta-blockers, calcium-channel blockers...
P1: NO. NO. (Tumayo para ayusin yung aircon. Akala ko hahambalusin na niya ko sa mga pinagsasasabi ko).
P2: What happens when there is congestion?
Ako: The heart cannot pump adequate blood supply to the lungs therefore the lungs cannot supply oxygenated blood back to the system.
P1: Do you even know what is Angina?
Ako: It is episodes/paroxysms of pain which occurs in the anterior chest which cannot be relived by rest or medicines.
P1: Cannot be relieved?
Ako: Ay, no, no madame. It can be relieved by rest or medicines. MI is the one which cannot be relieved by both.
P3: When you're in the hospital, what things should you check before giving medications to the patient?
Ako: The doctor's order, name of the patient...
P3: How will you know if that's the right patient?
Ako: You can ask the patient his/her name and verify if that's the name written on the chart.
P3: What if the patient is unconscious?
Ako: You can also check the patient's name tag on the wrist. Or you can ask the relatives for verification.
P3: What else should you check before giving medications?
Ako: Right route, right dose, right time, right drug, right patient.
P1: How many did you give us?
Ako: 5 madame.
P1: What are those again? (Hindi siya talaga nakikinig sa akin!)
Ako: (Inulit ulit lahat)
P2: When the patient has IV therapy, usually there are some complications. Could you give us some?
Ako: Phlebitis, fluid overload...
P2: How will you know if there is fluid overload?
Ako: Hmmm... The patient will have dyspnes, crackles... (wala na maisip.. haha)
P3: What will happen to the hands, feet?
Ako: Ah yeah. Edema!
P2: What other complications can you give?
Ako: That's all I can remember madame. (Nalimutan ko yung infection)
P2: Ok Camille, your interview is over. The results will be available on Monday. You can check it online or give us a call. (Imagine, Thursday ako nag-exam. Friday at Saturday walang government offices dito. Sunday wala pa result. Monday pa talaga nagkaroon. Imagine how many days ako waiting in vain!)
Ayun. At sad to say, hindi nga ako nakapasa. :( Pero siguro naman sa susunod, mas hindi na ako kakabahan as compared nung una. At saka alam ko na kung saan ako magfo-focus. Hindi ko na kakabisaduhin yung ibang hindi naman talaga kailangan like GCS kasi hindi naman ako neuro-nurse. Neurotic lang.. haha
TIP:
Be relaxed.
Huwag masyado magreview. Huwag OA gaya ko. Focus on major diseases, especially in the department you've worked before.
It's okay to say, "I'm sorry madame I don't know the answer." Pero magdasal ka na kung sinabi mo yan sa major question na tinanong sa iyo kasi dapat yun ang masasagot mo. Kagaya nung sa akin kasi CHF yung major dun e. Kaya sobrang feel ko na bagsak ako kahit hindi naman ako nabokya sa buong interview :(
Ayun lang.
Goodluck to those who will take the DOH exam!
PS: Ang dami kong kwento. Like nakalipat na ako sa accommodation namin kaya super independent na ako. Busy ako sa work na rin. At hindi na ako sad at emo about love kasi... hahaha.. secret :)
Abangan ang susunod na kabanata!
----------------------------------
You are very much welcome to comment on my posts/tagboard, or send me an email @ camille_radaza@yahoo.com. You can also add me in facebook but you have to at least send me a message that you've been a reader of this blog (please include the url of my blog) so I will know how did you find out my fb account because I only add people I know as much as possible.
Thanks a lot everyone. Godbless! More updates to come, promise. <3
----------------------------------