Thursday, April 22, 2010

Wow!

Natuwa naman ako at may nagsend sa email ko asking me about sa isa kong blog entry.. hehe
 
Sender:
 
hi, I am maybel, nurse din. Nabasa ko kasi ung blog mo about sa paghahanap mo ng work jan sa middle east. Help naman po, gusto ko rin kasi magtrabaho jan sa middle east ang hirap makanap ng work dito sa pinas as a nurse. 3 months lang ang experience ko kaya nag hirap din humanap ng agency, hingi sana ako ng advice, mas maganda ba na mag tourist visa muna ako jan sa dubai den hanap ako ng work pag anjan na... help naman.. desperate na ko maghanap ng work... hay,,, thanks and God bless you
 
 
Dear Maybel (yehes ate charo naman ang dating ko nito.. hehe),
 
Hindi ko maipapayo sa iyo na mag-Dubai ka. Sa totoo lang gurl, recession din dito. I was here last December pa. Tourist visa ako noon na good for 2 months. Ang hirap makahanap ng work as a nurse kasi mas pinipili nila dito na may license ka na rito. In order for you to work here as a nurse, you have to pass an oral exam. Sa Dept. of Health ng Dubai. Magtatanong sila sa iyo ng anything about nursing na tumatagal ng 15 mins. And well, kaka-exam ko lang a week ago at sad to say, ligwak ang beauty ng lola mo.. hahaha. Buti na lang mabait yung employer ko kaya vivisahan pa rin nila ako at after 2 months, magte-take ulit ako ng exams na sumalangit nawa ay pumasa ako. Magfocused ka magreview sa area na naassignan ka. Kasi ako sa ER ako nakapagwork. E kaso nagmamagaling ako kaya lahat kinabisado ko at hindi nagfocused masyado dun kaya sumemplang.. hahaha.
 
Pero 3 months kamo ang experience mo? Kasi gurl, before they allow you to take the exam here, you need to pass their assessment. Eto mga kailangan mo ha:
  • UAE authenticated credentials (HS diploma, TOR, certificate of graduation; College diploma at TOR; PRC license). Yung sa HS credentials, dadalhin mo yun sa Deped kung saan covered yung school mo. Tapos bibigyan ka ng claim stub ng Deped at kukunin mo na yun sa DFA na naka-red ribbon na. Tapos yung sa college credentials mo naman, punta ka sa university na pinaggraduate-an mo at ask mo paano ipa-authenticate yung mga yun. Kasi yung sa akin, sila na nagprocess hanggang sa CHED. Tapos sa school ko na lang kinlaim lahat yun na nakared-ribbon na rin. Nagbayad lang ako. Yung PRC license mo, ipipila mo yun sa DFA. For personal purpose yata kasi yun. Unsure ako sa parteng yan kasi tita ko nag-ayos nun e.. haha. Anyways, kapag nakared-ribbon na ung lahat ng credentials mo, punta ka sa DHL at sabihin mo ipapa-UAE authenticate mo yung mga yun. Php 1,700 per document. so bale, 1,700 x 3 (HS, College, PRC license).
  • Working experience from previous employer. Baka dito ka magkaproblem kasi sabi mo nga 3 months pa lang ang experience mo. Hinahanap kasi nila at least nakabuo ka ng 450 hours sa pagtatrabaho mo. Ikaw na magcompute ineng kung nakaabot naman yung duty hours mo.
  • Passport copy
  • Offer letter from employer (eto lang naman ay kung swertihin kang makahanap ng employer na maayos. Kapag may employer ka, mas mababa ang babayaran mo sa exam. Kapag wala, tumataginting na Php 25k!)
  • Passport pictures
Just for you to have an idea kung ano ba ang pinagsasabi kong red-ribbon (hindi ito cake! haha), eto ang images. Plus yung UAE embassy seal na sinasabi ko rin:


(Paper siya sa harapan ng bawat credentials mo na nagpapatunay na lahat ng mga yun ay totoo)






Ayun lang gurl. Yan lang naman kasi ang naexperience ko dito kaya yan ang maipapayo ko. Pero may iba rin namang sinwerte at nakahanap agad. Ikaw na lang ang bahala magdesisyon.

Pero ganun pa man, salamat sa pagbasa ng aking blog at pagsend ng inquiry. :)


Lovelots,

Camille *cutiemaartie.blogspot.com*

4 comments:

Unknown said...

antaray! pareho na kyo ni bloom na may mga letter senders hahaha!

ang galing niya at syo siya nagtanong dahil feeling ko mas marami ka ng alam sa mga gnyan.. :)

hoy! jojorant ko!

Anonymous said...

dear ate charo este camille. ahahha..nagbabalik c ako!! ayieeee.. must c ikaw? :)

Camille said...

@chareetah: hahaha oo nga gurl e. natuwa naman ako. marami-rami na rin namang nagsesend sa akin ng inquiry about sa DOH exam. parang pinapangalandakan ko tuloy na naligwak ako.. hahaha

@kayedee: ui gurlfren, you're back! i told you, once a blogger, will always be a blogger. welcome back gurla! :)

killer said...

question lng po, kelangan po ba ipaauthenticate lahat school credentials --thanks