Monday, September 15, 2008

Kung hindi ako nars, ako ay isang...

WARNING: Mahaba ito. Hindi kita pinipilit na basahin ito. Pero kung wala kang magawa, go. Basa lang!

1. Manunulat

Nung bata ako, mahilig akong gumawa ng mga nobela. Lalo na kapag summer vacation at nakatengga lang ako sa bahay. Yung mga natirang pages ng notebooks ko o sa likod ng lumang kalendaryo, dun ko isusulat ang nobela/komiks ko. Tapos kapag natapos ko na, tuwang-tuwa lang akong ipinapabasa yun sa mga tao sa bahay namin. Kaso kadalasan, hindi ko natatapos ang isang istorya. Kasi nabo-bored na ako sa phasing ko at gusto kong gumawa ulit ng bago. Kaya naisip ko, hindi ako magtatagal bilang isang nobelista. Nung natuto naman akong magblog, nadiskubre kong mas gusto kong magsulat sa pahayagan o kaya sa magasin. Yung parang trabaho ni Jennifer Garner sa movie niyang 13 going on 30, o kaya ni Drew Barrymore sa Never Been Kissed. Yung magsusulat lang ako ng tungkol sa buhay ng mga tao, sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid, etc. Kaso hindi naman ako nabigyan ng pagkakataon na tuparin ang propesyon na yun. Pero dahil sa yun pa rin ang frustration ko hanggang ngayon, may ginagawa akong libro na sana ma-ipublish ko rin sa tamang panahon. Secret kung tungkol saan . Yun nga lang, wala akong time na ipagpatuloy yung ginagawa ko. Hanggang ngayon, prologue pa lang ang nagagawa ko. Last year ko pa sinimulan yun, kamusta naman.

2. Pintor

Lingid sa alam ng karamihan, ang pagdo-drawing ay isang talent na binigay ni God sa akin (hindi ko na alam kung ano pa yung ibang talents na ibinigay Niya..hehe). Nung bata ako, dino-drawingan ko ang pader namin. Nagagalit na nga sina lolo kasi kakapintura lang ng bahay namin, binababoy ko na naman daw. Ang gamit ko lang noon ay simpleng crayola. Ang mahilig kong i-drawing nun ay mga tasa o cups na may mukha. Ewan ko ba kung bakit. Siguro kasi nung nursery ako, favorite kong kinakanta yung I'm a little teapot, short and stout... At ayun, puros mga pitsel at tasa ang kinatutuwaan ko. Hanggang sa kinalakihan ko na ang pagdo-drawing. Natutong gumamit ng colored pencils, craypas, at poster paint. Sumali pa nga ako sa poster making contest ng Jollibee noon e. Ipinadala ko noon yung drawing ko nila Jollibee at berks niya, kasama ang ibang mga bata. Idinrowing ko yun sa illustration board at ipinadala sa branch ng Jollibee na malapit sa amin. Kaso hindi naman ako nanalo. Actually, hindi ko alam kung may nanalo talaga sa contest na yun dahil wala naman akong nabalitaan. Ang alam ko lang, idinistribute daw ng Jollibee yung mga entries sa iba't-ibang public schools at hospitals. Yung entry ko, hindi ko alam kung saan na napunta (baka sa basurahan o kaya ni-recycle ng Jollibee yung illustration board).

Desidido na kong kunin ang Fine Arts bilang course ko nung elem pa lang. Kaso dahil sa pambubuyo ng mga tao sa bahay na hindi raw ako yayaman sa kursong kukunin ko, hindi ko na ipinagpatuloy pa ang plano kong yun. Sa ngayon, nagdo-drawing-drawing pa rin naman ako kapag walang ibang ginagawa kaso kulang na rin sa practice e. At isa pa, yung mga alam kong medium, hindi na uso ngayon dahil sa computers. Mas sikat ka kapag marunong kang gumawa ng anime sa computer.

3. Artista

Maarte kasi ako kaya pwede akong mag-artista.. haha. Pero oo, pangarap ko rin ito noon. Naiinis nga ako kina mama dati kasi sabi ko, bakit hindi nila ako isinali sa Little Miss Philippines noon. E di sana walang Aiza Seguerra ngayon..haha. Kaso huwag na rin. Baka maging tibash rin ako e. Joke!

4. Beauty Queen

Cute naman ako noon. Sa mga hindi nakakaalam, consistent muse ako ng classroom namin at naisasama sa mga parada simula grade 1 hanggang grade 4. Miss Singapore pa nga ako noon e. Kaya sabi ko sa sarili ko, kapag nagdalaga na ako, sasali ako sa Bb. Pilipinas. Kaso nung nagsimulang pumasok na ako sa stage ng Adolescence, marami nang nagbago. Marami ng growth spurts na nangyari (at hindi ko na dedetalyehin isa-isa). Kung nung dati lagi akong muse, nung nag-grade 5 ako, aba naman. Class officer pa rin naman ako. Pero hindi na muse, kundi sergeant-at-arms! Nung HS ako, lalong pinagsakluban na ako ng kapangitan. Hindi rin kasi ako mapag-ayos noon. Nung college ako, kahit naman paano, nag-improve na ako. Natutong mag-ayos at manamit nang tama (salamat sa mga kaibigan ko..hehe). At salamat rin sa Sensya dahil sa braces, facials, peelings, relax, rebond na naimbento. Tsk..tsk.. Feeling ko nga, kung hindi ko ginastusan ang sarili ko sa mga yan, mayaman na kami ngayon.

Ngayon, hindi ko na dream ang maging isang beauty queen. Ayoko na nga ring nanonood ng mga beauty pageants. Hindi naman sa sinumpa ko na ito. Excuse me, maganda naman na ako ngayon! (sa mata ko at sa mata ni Daddy kapag inuuto ako). Kaso, nawala lang yung thrill ko na maging isang beauty queen dahil namulat na ako sa katotohanan na hindi naman kagandahan ang nagpapaikot ng mundo. Isa pa, hindi naman lahat ng beauty queens ay masaya. In fact, mas marami nga sa kanila ang tuliro ang buhay ngayon.

5. Model

Dahil mahilig ako sa damit at mga sapatos, naisipan kong maganda siguro kung naging model na lang ako. Bukod sa sisikat na ako, marami pa akong freebies from my sponsors. Siguradong may walk-in closet ako sa bahay sa dami ng damit na ipapadala ng mga brands na ine-endorse ko.

Kaso, ipinanganak (at mamatay na rin siguro ako) ng may katawang hindi pangmodelo. Nitong last day-off ko nga, naghahanap ako ng dress. Wala lang. Kasi gusto ko, paminsan-minsan, maging babae naman. Kaso grabeh, halos 4 na oras lang naman kaming ikot ng ikot sa lahat ng stores sa loob ng mall ngunit wala akong makitang bagay sa akin. Kasya naman silang lahat actually sa akin at FYI, hindi pa XL ang size ko ha! Kaso lang, it's either makikita ang mga body fats kong itinatago. Kaya sabi ko, sige hindi na ako bibili ng dress... Kain na lang tayo ng pizza! (OMG, mas maraming calories!!)

6. TV Host

Mahilig akong magtravel. Sabi nga ni mama, lakwatsera talaga ako. Pero, ako ang lakwatserang ligawin. Yun bang papasok ako sa isang bagong mall at hindi na ko makakalabas kung hindi magtatanong kung saan ang Exit. Wala kasi akong sense of direction. Aminado naman ako dun. Pero gusto kong maging parang si Miriam Quiambao sa 100% Pinoy (o Pinoy Meets World yata, nalimutan ko na). Yun bang nakakalibot siya sa kung saan-saang lugar. Nakakasalamuha niya ang iba't-ibang lahi. Nagigisnan niya ang iba't-ibang kultura, relihiyon, at tradisyon ng mga tao. At higit sa lahat, she gets the chance to eat varieties of food for free!!! Yun ang pinakamalupit. Nag-enjoy ka na, libre pa.

Hanggang ngayon, gusto ko pa rin itong dream na ito. Kaya kung may TV crew/manager/maimpluwensiyang tao diyan na nagbabasa ng blog ko, go. I-refer mo na ako nang madiscover na ako!

7. Lead Vocalist ng isang banda

Natutuwa ako sa mga babaeng soloista ng banda. Ang astig kasi ng dating nila. Kaya pinangarap ko rin maging si Lougee ng Mojofly, o ni Aya ng Imago. Kaso sabi ko nga, limited lang ang talents na ibinigay Niya sa akin (o hindi ko pa nadidiskubre yung iba). At hindi kasama ang pagkanta sa mga talents kong iyon. Hindi naman ako sintunado. Helloo.. madalas kayang 100 ang score ko sa videoke. Kaso, alam ko namang hindi lahat ng nakaka-100 sa videokehan ay professional singer. Palakasan lang ng boses dun..hehe.

Isa pa, para sa akin, kung gusto kong maging rocker chic, kailangan marunong man lang akong tumugtog ng isang instrumento. E alam ko lang naman tugtugin ay organ. Yung sasabayan mo nang pagpindot ng daliri mo yung ilaw ng keys. Ganun ka-igno! haha. Ok. May alam naman akong tugtugin talaga sa Piano. Yung Clementine ("Oh my darling, oh my darling, oh my darling Clementine...") na simula pa nung grade 5 ako ay kabisado ko. E kasi demonyo yung music teacher ko noon e kaya hinding-hindi ko makakalimutan na pinakabisado niya sa akin yung piece na yan. Kaso, alangan namang puros iyon lang ang tugtugin ko sa gigs namin di ba. Baka batuhin kami ng mga tao. Pati mga ka-banda (kung may papayag) ko nadamay pa.

8. Engineer/Architect

Dahil nga sa hilig kong magdrawing, alternative ko itong 2 ito kung hindi man Fine Arts ang kunin ko. At ito rin ang propesyon ni Daddy kaya inuudyok rin niya akong ito ang kunin ko para magkasama raw kami sa kumpanya. Actually, hindi ko siya ganun ka-feel kasi hindi ko naman trip ang magdrawing ng mga buildings o mga bahay. At alam ko, kung ito ang kurso ko, dapat magaling ako sa Math. Magaling naman ako sa Math...nung 2nd yr HS nga lang yun. Kasi favorite ko nang sobra yung Math teacher ko noon. At sobrang inspired akong mag-aral sa Math noon. Naka-94 pa nga ako dun e. Kaso after nung 2nd yr (actually kahit before) HS, back to being an average Math student na ulit ako. Lito na ulit ako sa trigonometry at algebra..haha Kaya sabi ko, hindi na ako tutuloy maging engineer. Nasa mundo pa ako, pinapatay ko na agad ang sarili ko.

9. Teacher

Pre-school teacher to be exact, like Patty Laurel . Kasi mahilig ako sa mga bata. Lalo na yung matataba (can relate kasi ako..hehe..joke). Mamamaga sa akin yung braso at pisngi ng bata. Naisip ko rin, madali lang maging isang pre-school teacher. Makikipaglaro ka lang naman sa kanila e. Babasahan mo ng istorya. At magdo-drawing kayo buong araw. Hindi ba masaya yun? Parang back to childhood ang drama ko. Actually, naiplano ko na nga dati na magtatayo ako ng sarili kong pre-school center. Papangalanan kong CamBiERa (galing sa pangalan ko). Tapos nadesignan ko na rin yung uniform ng mga magiging estudyante ko, mga teachers, at mga security guard (siyempre pati sila kasama!). Kulay green lahat. Ngayon, hindi ko na alam kung saan ko nailagay yung mga dinrowing kong yun. HS pa yata ako nun e. Pero hanggang ngayon, feel ko pa rin namang maging pre-school teacher kung bibigyan ng pagkakataon. Yun nga lang, wala pa akong perang pampagawa ng sarili kong school. Lalo na ang pagpapatahi ng mga uniforms ng mga tao ko na kulay green.

10. Fashion Designer

Dahil mahilig nga akong magdrawing at mahilig rin ako sa damit, naisip ko noon, bakit hindi na lang sila pagsamahin? Dinrowing ko pa nga ang sarili ko noon na nananahi at nagdedesign ng damit as a fashion designer nung pinagawa kami ng art project nung grade 5 pa kami. Nakaupo ako sa harapan ng isang sewing machine at naglalagay ng mga sequins sa isang tela. Yun ang pagkakatanda ko sa drawing kong yun. Kaso lang, alam ko namang malabo sa katotohanan yung picture na yun. Unang-una, hindi ako marunong gumamit ng sewing machine. Pangalawa, hindi ako marunong manahi. Alam ko lang ay cross-stitch (na hinuhulaan ko pa ang pagtingin sa pattern) at running stitch (na hindi mo alam kung saan papunta). Yung pagbuhol nga lang ng sinulid, tinatyambahan ko pa. Hindi ko alam kung pwedeng maging fahion designer ang isang taong hindi naman marunong manahi. At naaalala ko pa, si mama ang laging gumagawa ng mga projects ko noon. Lalo na yung about sa mga pananahi. Yung pinagawa kami ng stuff toy nung 1st yr HS kami. Ginawa pa ngang model sa buong batch yung stuff toy ko e. Ang ganda kasi. Well, hindi lang nila alam, hindi ako ang gumawa nun!



Marami pa akong gustong idagdag dito. Marami pa akong Sana-naging-ganito-na-lang ako moments. Pero sa ngayon, ako ay isang nars. Hindi ko alam kung bakit ako dito idinala ng mga paa ko. Pero pagdating ng panahon (naks, nagiging Aiza na nga! haha), malalaman ko rin ang rason kung bakit sa propesyong ito ako dinala ng aking tadhana.

No comments: